Ismael POV Dalawang buwan na halos ang nakakalipas nang magtago kami dito sa mansion at sobrangn aiinip na ako. Naghihintay ako ng tawag mula sa mga kasamahan ko na pinakiusapan kong tumulong sa akin para ligtas kaming makaalis dito at kung paano makakatiyempo para makaalis sa mansion ng tunay kong ina. Hawak ko ang papel na nagpapatunay na isa akong Carson. Pinadala ito ng binayaran kong investigator para kumuha ng kopya nito sa kahit paanong paraan. Pero parang napakadali lang dito dahil wala pang tatlong araw ay nalaman kong pinuntahan nito ang hospital na piagpaanakan sa akin at naroroon ang record ng pagkakapanganak sa akin at pati na rin kopya ng hospital ng ipapasang birth certificate. Sana pala ay noon ko pa ito kiniha. Agad niya itong pinadala sa address ko gamit a

