Keizha's POV Maalinsangan na hapon. Maingay ang mga batang nagtatakbuhan sa labas. Dati ay natutuwa ako kapag nakakarinig ng ingay. Pero ngayon ay naiinis na ako kahit ayoko naman mainis kasi walang malay naman ang mga ito at dapat lang sa edad nila na magsaya at maglaro. Nami-miss ko si Aaden kapag wala siya sa tabi ko pero naiinis ako kapag narito naman siya sa tabi ko. Naiirita na rin ako sa sarili ko. Gusto kong kumain ng durian pero ayokong maamoy naman ang taglay nitong amoy. Lalo kong nginudngod ang mukha sa lamesa sa loob ng tindahan. Wala rin bumibili ngayon kaya mas lalo akong nabuburyong. Napadiretso ako sa pagkaakaupo ng makaramdam ng kakaiba. Nahihilo ako at tila umiikot ang kapaligiran. Napatayo akong bigla sa biglang dahil sa biglang pag-atras ng sikmurak o a

