Ismael POV " Kailan ba tayo makakalabas ng ligtas dito? " tanong ni Jared sa akin. Lumingon ako dito at nakita kong sa pagkakataong ito ay seryoso ang kanyang mukha. Umupo ako sa isang upuan na malapit dito at nang makaupo ng maayos ay pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay bago nilagay sa harap ng aking mukha. Lahat kami ngayon ay nasa sala kasama sila Tita Zeinne at Crishana. " Ginagawan ko ng paraan sa mga kasama ko kung paano. Sila Aaden din ay alam kong gustong-gusto na rin nilang makaalis sa kung nasaan man sila. Lahat tayo ay nahihirapan but for now ay kailangan nating magtiis for the better. May shoot to kill order tayo at hindi ko pa nasasabi sa inyo at baka bigla kayong matakot. Pero I think na dapat ninyo itong malaman sa ngayon palang upang ma-a

