Investigator POV " Boss! Naniniwala ka ba sa mokong na iyon? " natatawang tanong ng isa kong kasama. " Hindi! Kaya sa susunod na araw ay babalik ako. " halos mag-abot ang kilay na sagot ko dito. " Yan ang gusto ko kay Boss! Matiyaga! " natatawang sambit din ng isa. Hinid ko maiwasan na mainis dito. " Malamang! Masasayang lahat ng effort ko kung sakali. Sayang ang ibabayad ng Don kapag nahanap ang anak niya lalo kung may apo ito dito ay mas malaki ang reward ko sa kanya. " Kailan tayo babalik? " tanong ng kasama kong ngumunguya ng bubble gum at pinalobo pa ito. " Tumigil ka nga sa kababuyan mo! Sa isang linggo babalik tayo at hindi lang akong mag-isa dahil isasama ko pa rin ka

