Mainam at hindi pa nakakapag-alis ng kanyang mga pang-diguise si Aaden. Pansin ang mabilis na tambol ng dibdib nito habang patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sino man sa pintuan. Muli nitong nilingon si Keizha na nasa isang sulok at kita niya ang takot sa mga mata nito. Hinaplos niya ang baba nito at pinapanatag din ang kanyang sarili. Huminga siyang malalim bago binuksan ang pintuan. Isang lalaking nakaitim na jacket ang bumungad sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Ang tipo ng ngiti na nakakatakot at pangingilagan. Aaden's POV " Sino po sila? " tanong ko sa lalaking naka-jacket sa tapat ng pintuan namin. " Good afternoon po, Sir! Magtatanongl ang po sana ako kung may kilala kayo o namumukhaan na ganitong mga tao. Pinahahanap po kasi sila at may katumbas na

