Keizha's POV Nae-excite at naiinip na ako. Halos trenta minuto na ang binabiyahe namin sa yate. Mas masu-surprise daw ako sa makikita ko. Nakatanaw lang ako sa dagat at hindi na bumalik sa kwarto matapos naming kumain. Ilang minuto na kam idito kahit nag-aaya si Aaden na pumasok sa kwarto para magpahinga. Pero alam kong hindi naman pahinga ang habol nito kundi ang lumandi. Hindi ko pinapansin ang pagkalabit nito kanina pasaakin at tinuon ang atensiyon sa mga nadadaang tanawin. Ang mga kabundukan na tila kay lapit, mga isang nagtatalunan sa ibabaw ng dagat at ang pagtalsik ng tubig sa aming balat dahil sa minsang pag-alon ng tubig. Napasarap sa pakiramdam at tila lahat ng suliranin at hinanakit sa buhay ay panandalian kong nakalimutan. Sana ay palaging ganito, ngunit al

