Aaden's POV Naghiwalay na kami ng landas nila Ismael at may pupuntahan pa raw sila ni Alliyah. Nakatira na si Alliyah mga dalawang buwan na pala ang nakalipas at hindi na ito pinayagan na umuwi ng bahay nito dahil kapag umuuwi ang dalaga ay halos hindi na ito makalabas ng bahay dahil kinukulong ito ng mga magulang nito sa mansiyon. Gusto pa rin ng mga ito na matuloy ang balak ni Lolo para mas lumago ang mga negosyo nila. Pero hindi pumapayag sa ganoon kaya sinundo nito sa mansiyon si Alliyah kahit anong tutol at pananakot ng magulang ni Alliyah. Tinangay niya ang dalaga kahit takutin siyang ipapapulis siya at idedemanda. " Pulis na mismo ang kaharap niya. Magdemanda kayo at maghabol sa tambol mayor pa! Wala akong pakialam! " naaalala kong kwento

