Keizha's POV Hatak-hatak ni Aaden ang braso hanggang makarating kami ng parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Napatirik na lang ako ng mata sa ginawa nitong eskandalo kanina. Naabutan namin si Ismael na mukhang nag-aabang sa pagbabalik ng kaibigan. Nakakunot ang noo nitong tinanggal ang suot na sunglass at tumingin sa amin ng may pagtataka. " Anong nangyari sa inyo? Bagay tangay-tangay mo yan. Bro? " nagtataka itong lumapit ng bahagya sa amin. " I fired their teacher. " tila wala lang na sagot ni Aaden dito. " What?! Ano na naman ang sumapi sa iyo? Hahaha! Kadarating mo lang eh. " napapailing na nasabi ni Ismael. " She deserved it anyway! " napakibit pa ng balikat na

