Keizha's POV Nakatitig ako sa puting pinto ng kwarto at pinag-iisipang mabuti kung itutuloy ko ba ang pagpasok sa kwartong nasa harapan namin ngayon. Dalawang guwardiya ang nasa labas para magbantay at magalang lang na sumaludo ang mga ito sa amin. Nakahawak na sa doorknob ang isa sa mga ito ngunit kita nito ang pagkaandap ko na pumasok. Isang mahinang pisil sa palad ko ang nagpalingon sa akin sa lalaking kasama ko. Nakangiti ito sa akin at tila iniengganyo ako ng mga ngiting iyon. “ Tutuloy ka pa rin ba? “ may lambing sa boses nitong tanong habang hawak pa rin ng palad nito ang isang kamay ko. Tumango ako at tinanguan ni Aaden ang guwardiyang nakahawak na tila sinasabing buksan na ito. Kaagad nitong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang matandang lal

