Aaden's POV Abot tainga ang aking mga ngiti habang minamaneho ko ang aking kotse. Patungo ako ngayon sa tahanan nila Keizha. Isang buntong hininga ang ginawa ko bago isang ngiti ang muling pumaskil sa aking mga labi. Alam ko na kahit malaki ang naging kasalanan sa amin ni lolo ay hindi ko dapat ipagdiwang ang pagkakasakit nito. Pero hindi ko lang talaga mapigil na magsaya dahil sa tila pagkawala ng lubid sa aking leeg. Lalo pa at hindi natuloy ang kasal kanina. Malapit na ako sa tahanan nila Keizha ng isang sasakyan ang humarang sa daraanan ko. Napakunot ang noo ko at hindi ko maiwasan kabahan sa nangyayari. Bumaba doon ang isang lalaki na may hawak na bakal at isang babaeng na kahit kailan ay hindi ko gustong makita. Lumapit sila sa sasakyan ko n

