CHAPTER 13

1255 Words
SA ISANG fast-food chain siya dinala ni Nathan. Ipinagpasalamat niyang doon siya nito dinala. Dahil hindi niya alam kung makakain pa siya nang matino kung doon sila ulit pumunta sa restaurant na pinagdalhan nito sa kanya noon. Habang kumakain ay iniiwasan niyang mapadako ang tingin sa direksiyon nito. Kanina pa kasi niya napupunang iba ang ikinikilos nito. Kung hindi lang niya kabisado ang ugali nito ay iisipin niyang nanliligaw ito sa kanya. "Dahan-dahan lang at baka mabulunan ka." Noon lang niya ito binalingan. "Don't mind me. Ikaw ang dapat na kumakain." French fries lang kasi ang nagagalaw nito. "I'm fine. Para talaga sa iyo ang celebration na ito. At bilang bawi ko na rin noong una tayong kumain sa labas. Napansin ko kasing hindi ka gaanong nag-enjoy sa pagkain mo dahil nilunod mo lang ang sarili mo sa champagne." "Ipaalala pa raw ba?" "Just kidding," bawi nito. "Pero kanina ko pa napapansin na masarap ka palang ilibre. Hindi ka kasi mapili sa pagkain and I like that." "Well, wala kang magiging problema sa akin pagdating sa mga ganyang bagay. Besides, nakakapang-hinayang naman talaga kung hindi mo kakainin ang mga nakahain sa mesa. Isa pa, minsan lang may nanlibre sa akin kaya susulitin ko na." Ngumiti siya rito. "Come on, don't tell me na walang nanlilibre sa iyo? Hindi na ako maniniwala niyan." "Why not? Eh, sa wala talagang gustong manlibre sa akin." She took a bite at her humburger. "Hindi ko sila masisisi. I have a huge appetite as you can see." "You mean, kahit mga manliligaw mo ay hindi ka magawang i-treat sa labas?" "Sorry to disappoint you pero hindi ko ginagamit ang magandang mukha kong ito para lang makapang-akit ng mga lalaking manlilibre sa akin." "And how can you be so sure na hindi nga ako naaakit sa iyo?" For some weird moment, she thought he was telling the truth. But when she looked at him, flashing her his million-dollar smile, it made her think otherwise. "I want to ask you something, Sam. " Tumango siya. "Kung naiba lang ang sitwasyon natin, papayag ka bang... you know, makipag-date sa akin?" Umiling siya. "Why not?" "For a very simple reason na ikaw si Nathaniel Figueroa." "And what's that got to do with us?" "Ibig sabihin n'on, sikat ka at ayokong laging makakaladkad sa media ang buhay ko. And there are only two things I hate in this world. Politics and show business." "Pero hindi naman ako pulitiko o artista." "Maybe. But you're still a high-profile personality. Celebrity na ang status mo at ng mga kaibigan mo." Medyo pumormal ang mukha nito, marahil ay hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. But she was only telling him the truth. "So, you knew about us." "Who wouldn't?" Kumumpas siya. "Four most eligible bachelors of Manila's elite." "That's the work of the media. You should know that. Hindi ba't Journalism graduate ka?" "Not yet. How did you know that?" "Xander," sagot nito. "Mabalik tayo sa usapan. Hindi dahil masyado kaming na-build up ng media, eh, unreachable na kami. We also have a normal life, you know." "Ah, reality check, Nathan. You are unreachable." "Kung ganoon, bakit kasama mo ako ngayon at kumakain sa fast-food chain na ito? Teka, kaya ka ba laging galit sa akin ay dahil doon?" "Of course not. Hindi naman ako ganoon ka-judgmental, 'no?" "If that's the case, I'm going to ask you again. Will you still go out with me, on a date, kahit alam mo na kung sino ako?" "Siguro," aniya na hindi tinitigilan ang pagkain. "Kung wala kang kabuntot na reporter." "Puwede naming sabihin na layuan kami ng media kung gugustuhin namin." "Well, why didn't you?" "Makikipag-date ka ba sa akin?" Natigilan siya. Bigla naman itong tumawa. "You are so adorable when you're caught off guard, Sam. Come on, I'm just asking you out. Alam mo namang hindi talaga ako ang tipo mo. Don't worry, you're safe with me dahil malayo ka sa tipo kong babae." Parang bigla siyang nawalan ng gana sa narinig. Bakit ba hirap siyang tanggapin iyon samantalang noon pa niya alam ang tungkol sa bagay na iyon? Nakita niyang may kinawayan ito. "Nathan, darling. What are you doing in a place like this?" Hindi sana niya iyon papansinin kung hindi lang biglang pumulupot ang babae sa braso ng binata at mariin itong halikan sa mga labi. Mangalingaling hilahin niya ang buhok nito at kaladkarin ito palabas. Landi! Kababaeng tao, siya pa ang unang nanghahalik. At ang herodes namang lalaking ito, mukhang nag-e-enjoy pa! Hindi na siya nakatiis. "Excuse me, pero ako ang kasama niyang hinalikan mo, Miss." Naghiwalay ang mga ito. "Oh, sorry. Nakasanayan na kasi namin ni Nathan na magbatian sa ganoong... paraan," nakataas ang kilay na pahayag ng babae. "Well, it's time you change your habit. I don't want you kissing—" Binalingan niya ang nakangising si Nathan. "Him." "Wow, Nathan! You have a handful little girl here." Little girl! "She is, Jen. But I can handle her." Mainit pa rin ang dugo niya hanggang sa makaalis ang babae. Hindi na niya kinausap si Nathan hanggang makalabas sila ng fast-food chain na iyon. "That kiss was nothing, Sam," pahayag nito nang nasa parking lot na sila. "Huwag ka nang magmukmok." "Puwede ba!" she hissed. "Hindi na ako bata na susuyuin pa." "Uh-oh. I can see that." Bubulyawan sana niya ito nang mapansin ang pilit nitong inaalis sa labi. A smudge of lipstick. "What are you doing?" tanong niya na hindi maitago ang iritasyon. Hindi niya alam kung dahil iyon sa "little girl" issue o dahi sa nakita niyang marka ng mga labi ng babae sa bibig nito. "Give me that." Hinablot niya ang hawak nitong tissue at nanggigigil na kinuskos ang mga labi nito. "Hey, dahan-dahan lang. Hindi iskoba iyang hawak mo." Hindi niya ito pinansin hanggang sa tuluyang mawala ang kinaiinisang marka. "Tapos na? Hindi pa burado ang mga labi ko, ha?" He was openly laughing at her. "Gusto mong paduguin ko iyang nguso mo para mamula ulit?" "Awww! Masyado ka pa ring bayolente, Samantha Adriano. I don't know what to do with you anymore." "What does that suppose to mean?" "Nothing." Binuksan nito ang pinto ng sasakyan para sa kanya. "Get in. Ihahatid na kita bago mo pa ako mabugbog." "I hate it when you do that," she said, then she got inside the car. "You always hate me." "Kasalanan mo naman iyon." "No comment." "Hindi na talaga tayo magkakasundo." "Because we're wrong for each other." Nilingon niya ito. Nakatutok sa dinaraanan nila ang buong pansin nito habang nagmamaneho. His perfect profile was in full view. For an unknown reason she was bothered with what he said; and that kiss she saw. Naiinis siya sa ginawa rito ng Jen na iyon! Natagpuan na lamang niya ang sariling tinititigan ang mga labi nito. His lips were soft. Natuklasan niya iyon nang pinupunas niya ang lipstick sa mga labi nito. Hmm. What would it be like kissing you, Nathaniel Figueroa? How would your lips taste? "Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Sam." Napakurap siya nang marinig ang tinig nito. Saka ibinaling sa iba ang tingin. "I was just... I was just looking at you. Masama ba iyon?" "Yes. Especially when you look at me as though you want to kiss me." Gusto niyang tumalon mula sa sasakyan sa sobrang pagkapahiya. And worst, nahulaan din nito ang iniisip niya! "H-hindi naman, ah," tanggi niya. Eh, ano kung buko na siya nito? Basta, hindi niya iyon aaminin. "Uh-huh. Right." She doubted it. She knew he didn't believe her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD