CHAPTER 14

725 Words
"SAMANTHA, hija, maawa ka naman sa tiyan mo," puna ng kanyang daddy. "Aba'y tama nang kain 'yan." Isinubo niya ang huling kagat ng sandwich saka nilagok ang isang baso ng juice. "Hindi na kayo nasanay sa akin, Dad. Dati na naman akong ganito." "Wala bang kontra ang boyfriend mo sa iyong katakawan?" "Boyfriend?" Naiiling siyang tumawa. "Tsismoso na rin kayo ngayon, Dad, ha?" Inilapag nito ang diyaryo sa mesa. Naroon ang ilang larawan nila ni Nathan sa iba't ibang okasyon ng pagkikita nila. The Untamed Stud's Secret Lover? ayon sa caption sa isang larawan. "Nathaniel Figueroa? Hindi ba't lagi kayong nagbabangayan niyon?" tanong ng daddy niya. "Yeah," kaswal niyang sagot. "Anak, bago mo siya ilibing nang buhay, bigyan mo muna ako ng apo, ha?" Napamaang siya rito. Daddy ba niya ito? "Alam n'yo, Dad, daig n'yo pa si Christian sa kakulitan." "Wala akong magagawa, anak. Sa kanya ako nagmana, eh. Siyanga pala, saan ba ang punta mo?" "Kay Byron Ledesma ho. Gusto kasi niyang ngayon na ako magsimula ng formal training ko para maging isang full-pledged reporter." "Aba, ang galing talaga ng baby girl ko. Manang-mana sa guwapong daddy. Teka, next week na ang graduation mo, 'di ba? Ano ang gusto mong regalo?" Si Nathaniel Figueroa, she wanted to say. "Mag-iisip na muna ako. Sige, Dad. Aalis na ako." Habang tumatakbo ang sasakyan ay panay ang sipol niya. She was happy dahil alam niyang makikita niya sa opisina ni Byron si Nathan. Nasabi iyon sa kanya ni Andi nang tumawag ito at hinahanap si Christian. Twenty minutes later, patungo na siya sa silid ni Byron. As usual, pinalipad na naman niya ang sasakyan pero dahil iyon sa good mood siya at nais na niyang makita agad si Nathan. Kakatok na lamang siya sa pinto nang makarinig ng mga boses mula sa medyo nakaawang na pinto ng opisina ni Byron. "REALLY, Nathan. Iba yata ang ipinapakita mo sa iyong mga sinasabi?" "Thad, I told you. Sam can never be the type of woman I will want. She's just too wild for me." Kanina pa siya ini-interrogate ng mga kaibigan tungkol sa relasyon nila ni Sam. Gusto niyang bawiin ang lahat ng kanyang mga itinanggi ngunit tila may kung anong pumipigil sa kanya. "Kung ganoon, bakit dikit ka pa rin nang dikit sa kanya?" tanong ni Axel. "Na para bang ayaw mong may ibang lalapit sa kanya." "I don't know. Curious, I guess. And a bit challenged dahil siya ang kauna-unahang babaeng hindi agad nagkaroon ng interes sa akin." "Agad? So, you mean interesado na siya sa iyo ngayon?" tanong naman ni Byron. "Kaya ba itataboy mo na rin siya dahil na-challenge na siya sa iyo?" "No." "So, ano ang problema? Why can't you just accept the fact that you're—" "I can't, Thad." "Nathaniel Figueroa, give me the reasons why you're so reluctant on taking her?" Napabuntong-hininga siya. "She's not sophisticated enough," he just said dahil wala naman siyang maisip na sasabihin. Nagkatinginan ang kanyang mga kaibigan. Na para bang sinasabing napakababaw ng kanyang dahilan. But it was. Kahit siya man ay hindi maintindihan kung bakit pilit niyang itinatanggi ang nararamdaman, maging sa kanyang sarili. "Napakakaskasera din niya, madaldal, malakas kumain—" Naputol ang pagsasalita niya nang marinig ang ingay na nagmula sa gawi ng pinto. "At malakas dumighay," anang tinig mula sa pintuan. Sabay-sabay na napahalakhak ang mga kaibigan niya. Ngunit hindi niya magawang tumawa lalo na nang makita niya ang paglatay ng matinding hinanakit sa magandang mukha ni Sam. Hindi niya alam kung hanggang saan ang narinig nito sa mga sinabi niya, ngunit sigurado siyang naabutan nito ang kanyang huling sinabi. And as much as he hated to admit it, natakot siya sa nakitang reaksiyon nito. "S-Sam... bakit... bakit nandito ka?" He could almost see the tears she was trying to hold back. Minura niya ang sarili dahil doon. If only he could gather her in his arms... "M-may appointment kasi ako kay... kay Mr. Byron Ledesma." Oh, Sam... if only you're not that brave. I would have— "Oo nga pala," singit ni Byron. "Guys, I think you have to leave now. Harapin n'yo na ang mga trabaho ninyo sa inyong mga opisina. Meeting's over." Ngunit wala siyang balak umalis doon hangga't hindi siya nakakapagpaliwanag kay Sam. Kung hindi pa siya hinila nina Thad at Axel ay hindi pa siya tatayo mula sa kinauupuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD