Dumadagundong ang puso ni Vhon sa matinding kaba at takot. Hila-hila ito nang marahas ng kamay na tumakip sa bunganga nito. Dinala si Vhon sa isang lugar na may malaking katawan ng puno. At doon pinakawalan. "Bok! Ayos ka lang?!" Pagkuwa'y nadinig ni Vhon na tanong ng pamilyar na boses. Paglingon ni Vhon sa lalaking parang kumidnap sa kanya ay lumaki ang mga mata nito. Ang kabang nadarama ay napalitan agad ng kagalakan. "Pingol!" Parang bata na tuwang-tuwa na yumakap si Vhon kay Hilmar. Si Hilmar pala ito. "Ligtas ka nga!" "Oo! At ligtas ka na rin, Bok!" Walang pagsidhang kaligayahan din ang naramdaman ni Hilmar na makitang ligtas pa rin si Vhon. "Si Bylls?" dikawasa'y tanong nito. Doon napalitan ng lungkot ang ngiti ni Vhon. "Kinain na rin siya ng mga demonyong babaeng 'yon pagkatap