PART 6

1080 Words
"Ano 'yon?!" halos sabay-sabay na tanong nina Dhoy, Vhon at Kear na walang kaalam-alam sa nangyayari kay Jake. Napatingin ang lahat sa paligid-ligid. "Parang sigaw ng tao!" nahintakotang sabi ni Dhoy. Ikinasa nito ang armalite. Gumaya ang iba. Inihanda nila ang mga baril nila. At naging mailap ang tingin nila. Subalit ilang minuto pa ang lumipas ay wala na silang narinig pa. Tumahimik na ulit ang paligid. "Baka hayop lang 'yon sa kagubatan," hinuhang sabi ni Vhon nang humupa ang tensyon. Nagsiupuan ulit sila. "Paano kung tao 'yon?" Si Hilmar. Hindi na naman ito mapakali. "Relax lang, Bok. Hayop lang 'yon." Tinapik ni Darwyn si Hilmar sa balikat. "Oo nga," sang-ayon ni Kear. Umupo na ulit. Ngunit hindi pa rin makampante si Hilmar. Naka-ready pa rin ang baril nito. SA KABILANG BANDA. "Aaaahhhhhh!!!" hiyaw ni Jake sa matinding sakit na nadama. Pumalandik ang sariwang dugo mula sa paa nito na tinamaan ng maliit na kutsilyo. Pinunterya iyon ng isang babae para hindi na siya makatakbo. Hirap na hirap si Jake na tumayo pa rin. Pinilit niya at hinugot niya ang kutsilyong tumama sa paa niya. “Sh*t!” Napangiwi siya nang husto sa matinding kirot. Parang maghihiwalay ang kaluluwa niya sa pagkatao niya ang pakiramdam niya. "Aaaahhh!" impit na daing pa ni Jake. Sumirit ang dugo doon pero hindi na niya iyon inalintana. Bagkus ay lakas-loob na iwinasiwasiwas niya ang kutsilyo sa harapan para hindi makalapit ang mga babaeng naka-hoodie ng itim sa kanya. "Huwag kayong lalapit!" babala niya sa mga ito. Kahit mga babae sila ay makikipagpatayan talaga siya. T*ngna! "Hahahahahahaha!" subalit malademonyong tawa ng mga kababaihan na umalingawngaw. May lumabas pa mula sa kadiliman ang isang babaeng naka-hood din ng itim. Nagyukuan ang mga babae. Hingal na hingal si Jake at butlig-butlig ang pawis niya sa noo na nakikiramdam lang. Nagtatakang pinapasadahan niya ng tingin ang mga babae. Alert na lert siya sa anumang mangyayari. Anong klaseng mga babae ang napuntahan nila? Mga kampon ba sila ng demonyo?! Mga kulto? The f*ck! Nagsalubong ang mga kilay ni Jake nang palapit sa kanya ang babaeng iginagalang ng ibang mga babae "Sabing huwag kang lalapit!" Mahigpit ang pagkakahawak ni Jake sa maliit na patalim na itinapat sa babae. Huwag lang itong magkakamali saktan ulit siya at hindi na siya magdadalawang isip na pumatay. Tumaas-baba ang paghinga Jake na nakiramdam pa. Mabalasik ng tingin niya sa babaeng palapit sa kanya. Natigilan lamang siya nang dahan-dahan ay mag-alis ng hood ang babae. "Ikaw?!" gulantang na sambit ni Jake. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang type ni Dhoy na babae kanina. Ngumisi si Lheizel kay Jake pagkuwa'y walang katakot-takot na ipinagpatuloy ang paglapit nito sa sundalo. "Sabing huwag kang lalapit!" sigaw ni Jake. Nanginig na siya nang sobra. Nakangisi ang lahat ng kababaihan habang pinapanood sila. "Huwag maawa kayo sa 'kin,” hindi nagtagal ay pagsusumamo na ni Jake. Nasa harapan na niya si Lhiezel. At ewan niya dahil hindi naman niya ito magawang sugurin. Mas nangingibaw kasi ang takot niya. Halos mapaihi na siya sa kanyang pantalong camouflage. At sa isang napakabilis na igkas ni Lheizel sa kutsilyo ay nalaslas agad ang leeg ni Jake. "Uhk!" Sumirit ang sariwang dugo ni Jake sa leeg at nahalo iyon sa damit niya. "Hahahahaha!" Nagtawanang muli ang mga kababaihan. Nag-iwas ng tingin si Lheizel at isinuot ulit ang itim na hood sa ulo. Siya namang pagbagsak ng katawan ni Jake sa lupa. Binitawan na nito ang maliit na patalim. "Dalhin niyo na 'yan sa altar," tapos ay makapangyarihang utos ni Lheizel sa mga babae. Agad kumilos ang mga babae. Habang sina Steff, Fransez, Joylyn, at Miyaka ay sumunod sa likuran ni Lheizel. Sila ang mga kanang kamay ni Lhiezel. Pipikit-pikit si Jake na hinila ng dalawang babae, umuubo ito ng dugo. Hindi agad natuluyan. Ramdam na ramdam ni Jake ang sakit sa katawan. Bawat madaanan ng katawan ay kumukulay ang dugo nito sa lupa. Sa isang banda ng kuweba ay natutop ni Alene ang sariling bunganga. Saksi na naman ang dalaga sa kasamaan ng kampon ni Lheizel. Marahas na inilapag si Jake sa isang parang altar.na naiilawan ng napakadaming itim na kandila. Hinang-hina na si Jake kaya kahit anong gawin ng mga babae rito ay hindi na ito makalaban. Narinig niya pa si Franzes na parang nagdadasal sa tabi niya. Mayamaya ay isang patalim ulit ang itinarak sa tiyan niya. “Ugk!” Napaigik ulit si Jake. At isa pang saksak! At isa pa ang ginawa ni Franzes. Hanggang sa umubo ulit si Jake ng dugo at nagkikisay na. "Mga bok, umalis na kayo rito!" ang huling katagang naisip ni Jake bago siya tuluyang nawalan ng buhay. Talsik-talsik sa mukha at katawan ni Franzes ang dugo sa ginawang pagsasaksak nito kay Jake. Halos lumabas ang laman loob ni Jake sa tiyan nito nang magtigil at magsawa si Franzes sa pagsasaksak. "Panginoon, sana'y magustohan niyo ang aking alay,” dasal ni Franzes. Nakadipa ang kamay nito at nakapikit ang mga mata. “Panginoon san’y magustohan niyo ang aking alay!” mas madiing bigkas pa ni Franzes. Hindi nagtagal ay nagliyab ang apoy sa tabi ng malaking sungay na nakadikit sa bato. Ito ang tinatawag nilang panginoon. Napangiti ang lahat na babae nang makita nila iyon. ibig sabihin kasi n'on ay nagustuhan ng panginoon nilang Satanas ang kanilang alay. "Magdiwang tayo!" natutuwang sigaw sa kanila ni Lheisel. Agad nagsilapitan ang mga babae sa bangkay ni Jake at kanya-kanya silang pigtas ng kung anu-anong parte ng katawan ni Jake. Pinagsaluhan nila na parang litsong baboy ang katawan ni Jake. Sarap na sarap ang lahat. Dinukot ni Steff ang puso ni Jake at ito ang nilamutak. Si Miyaka ay ang mga daliri naman ni Jake ang pinanggigilang kainin. Habang ang iba ay nagpyesta sa laman-loob ng binata. Pinutol ni Lheizel ang ulo ni Jake at ibinigay sa isang babae. “Iluto mo ito para sa ating mga bisita,” at saka iniutos. "Opo." Nangngitian sila ni Franzes. "Gusto niyo?" alok sa kanila ni Joylyn. Iyong hita 'yon ni Jake. "Salamat," sabi ni Franzes at nag-umpisa na rin siyang kumain. "Sige magpakabusog kayo!" nakangising sabi ni Lheizel sa lahat. “Teka, nasaan na naman si Alene?” pero mayamaya ay pansin nito dahil hindi na naman nito makita ang kapatid sa kasiyahan nila. "Nagpapakapasaway na naman siguro," sagot ni Steff habang ngininguya ang matitigas na bahagi ng puso ni Jake. Naningkit ang mga mata ni Lhiezel. Kahit kailan talaga a kay tigas ng ulo ng kapatid niyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD