Nagulat naman sina; Aerron, Jhie, Tatang Pabling at ang ibang mga wakwak. Dahil biglang naglaho ang kanilang mga kalaban "Nawakasan na ang kasamaan ni Luvzkoxa," pahayag ni Tatang Pabling na may ngiti sa labi nito. "Jhie, si Darem at Vic?" tanong ni Aerron at nagpalinga-linga ito. "Hindi ko napansin!" tugon niya na may pag-alala. HINDI pa rin nagkamalay si Vic, at ang kanilang ama ay nahihirapan na sa paghinga nang lapitan ito ni Darem. "Pa… huwag kang bumitaw! Dadalhin ka namin sa manggagamot!" umiyak na pahayag ni Darem "D-Darem..." sambit niya sa anak na pilit inabot ang kanyang kamay sa mukha nito. tinulungan naman ito ni Darem. Hinawakan niya ang kamay ng Ama at hinalikan. "Pa, lumaban ka, huwag kang pumikit, please!" Pagmamakaawa niya rito. "H-hindi na ako magtatagal, m-