KINABUKASAN kahit pagod si Darem ay pilit pa rin itong bumangon para ipaghanda nang agahan ang mga panauhin. Maaga ring dumating si Jhie sa kanila at tumulong ito sa paghahanda nang kanilang almusal. Dahil sa kalabog sa kusina ay nagising si Aerron at agad bumangon, nakita niya si Darem na busy sa paghahanda ng kanilang agahan at nilapitan niya ito. "Good morning!" bati niya. "Oh! Gising ka na pala. Good morning too!" tugon naman ni Darem. "Tulungan na kita," alok ng lalaki. "Huwag na, kaya ko na ito. Maupo ka na lang at ipagtimpla kita ng kape." Umupo naman si Aerron at naghihintay sa kanyang kape. "Ito!" Inabot niya kay Aerron ang isang tasang kape. "Salamat." "Walang anuman!" Hanggang ipinagpatuloy ni Darem ang kanyang pagluluto. Pritong itlog, pritong tuyo at kanin na mais la