Patuloy ang paghila ni Vic sa mga kalaban at nanatiling tahimik ang kanyang trabaho. Si Darem naman ay ingat na ingat sa bawat kilos niya sa loob ng bahay habang hinahanap niya si Amero. Marami ang kuwarto sa loob, kaya natagalan siyang makita ang pakay nito. Biglang nabulabog ang kanyang tahimik na paghahanap kay Amero. Dahil sa sunud-sunod na mga putok mula sa labas. Kumilos siya agad dahil pumasok na ang mga kalaban sa loob ng bahay, upang protektahan ang kanilang amo. Binunot ni Darem ang kanyang baril at sabay putok niya sa mga tauhan ni Amero na kasalukuyang sumugod sa kanya. Nagising si Amero dahil sa mga sunod-sunod na putok at agad niyang kinuha ang kanyang bathrobe at dali-dali niyang sinuot. Palabas na sana siya nang makasalubong niya si Darem sa labas ng kanyang pinto at nak