HINDI agad napansin nina Darem ang paglabas ng mga kalaban at biglang hinawakan si Vic. Agad namang bumunot ng baril si Aerron at si Jojo, pinagbabaril nila ang mga nakahawak kay Vic. Natamaan ang isa kaya nakakuha siya ng pagkakataon upang labanan ang isa pang nakahawak sa kanya. Si Darem at Jhie naman ay nagsimulang nakikipaglaban at ganoon din ang mga bagong kasapi nila. Si Darem, ang humarap sa leader ng mga mangkukulam na itim na may kalakasan rin ito. Medyo maliksi kung gumalaw kaya nagpalitan sila ng sipa't sundok. Subalit mas lamang si Darem sa mga tama nito, dahil nailagan niya ang mga banat ng kalaban. Si Vic, naman ay patuloy rin sa pakikipaglaban at lahat niyang nakaharap ay sinisiguro niyang mapatay ang mga ito. Kahit nararamdaman niya ang awa at sakit, ngunit hindi siya nag