Pagkakita naman ni Aerron ay dali-dali rin itong lumabas at bitbit ang kanyang baril. Agad niyang kinasa at pinapaputukan ang mga itim na mangkukulam at may mga natamaan siya. Nagulat naman si Luvzkoxa, sapagkat hindi niya inaasahan na matatablan ang kanyang mga tauhan. Nagsilabasan naman sina Tatang Pabling, Jhie at si Mang Merwin. Para sana makipaglaban. Subalit nang makita sila ni Luvzkoxa ay agad itong umatras. Dahil hindi niya napaghandaan ang paghaharap nila at sa posibleng maaring mangyari sa kanilang lahat. "Jojo..." sigaw ni Aerron, habang buhat nila ang kaibigan upang dalhin sa loob ng kubo. "J-Jo..." boses ni Jhie na hindi makapaniwala sa nakita, agad naman siyang niyakap ni Darem, na tila nagpapakampi. "Mistah! Mistah!" yugyog ni Aerron na pilit ginigising ang kaibagan.

