BANGS "SUMAGOT KA!" sigaw ko sa kanya. "Ganoon ka ba kawalanghiya para pati ang isang matanda ay takutin n'yo ng mga kaibigan mo?" Hindi umimik si Benedict pero si Belle ay sumabat. "Huwag kang magbintang! Pwede ka naming idemanda!" "Gawin mo na lang, at huwag kang maraming satsat. Huwag kang makialam sa mga bagay na wala kang kinalaman at baka ikaw ay kasama nilang mabulok sa kulungan. Gusto mo ba?" tuya ko sa kanya. "Napakawalanghiya mo! Animal ka!" akmang susugod si Bing nang may marinig akong pagkasa ng baril. "Take a step and the first bullet will be on your left leg," sabi ng isa sa mga tauhan ni Ruslan. I don't know who it is. Natigilan si Bing at umatras. "Matapang ka lang dahil marami kang kasama. Lumaban ka ng patas!" Tumawa ako sa kanya. "Patas? Nagpapatawa ka? Lahat

