BANGS Kaagad na kumunot ang noo n'ya at nagtaas ng boses. "Anong bed ang pinagsasabi mo d'yan?!" Hindi ako umimik. I stayed where I was and watched her face show various emotions. Naroong magalit s'ya, matakot na parang pinagsakluban ng langit at lupa pero sa huli ay nanaig ang pagmamatigas. Nilingon n'ya ang mga nag-uusyosong mga tao. "Anong tinitingin-tingin n'yo? Tuwang-tuwa kayo sa nangyayari? Mga punyeta kayo! Magsilayas kayo riyan!" sigaw n'ya sa mga ito. "Mommy, tama na. Nakakahiya," saway ni Bing sa kanyang ina. "Anong nakakahiya? Sila ang nakakahiya! Mga tsismosa!" Hinarap n'ya ako. "Patigilin mo ang mga taong 'yan at kung hindi ay magkikita tayo sa korte! Idedemanda kita ng harrasment! Trespassing!" "Gawin mo." Wala na akong maramdamang awa sa kanya ngayon. "Ivanka! Ano

