Deserie 'Andeng' Salvacion Nagmamadali ako sa pag-uwi dahil sa kakaisip sa magulang ni Sandro at Alex. Halos gustuhin kong paliparin ang kotse pauwi sa bahay. ‘Thank god, nalusutan ni Cobie ang mga curiosities and question nila sa biglaan kong pagkawala.’ Ginusto ko na lang kainin ng lupa dahil sa kahihiyan na ginawa ko. “Nananadya ka ba?” busangot kong tanong kay Tyler. Halata naman kasi sa itsura ko na tensionado-tensionado ako. “Kasalanan mo ‘to, e! Kung ‘di mo ba naman ako biglang itakas.” Pailalim ko siyang tinignan habang nakayakap ang kamay sa aking dib-dib. “Sorry na, Boo.” Ngumingisi pa rin niyang tugon. “I’ll make it up to you, okay? ‘Wag mo lang ako sinusungitan ng ganyan.” Inirapan ko siyang muli, “Ewan ko siya! ‘Wag mo na akong pinagkakausap dahil naiinis lang ako lalo sa’