Deserie 'Andeng' Salvacion “Ate!” puno ng pag-aalala ang kanyang boses. “Si Tatay!” Narinig ko na humihikbi na kanyang boses. “Inatake sa puso si Tatay, Ate!” Natulala, lutang at hindi makapag-isip ng tama dahil sa ibinalita ni Cobie. Dahan-dahan na tumulo ang luha sa aking mga mata. Parang hindi ko na kaya na mawalan ng isa sa aking mahal sa buhay at pamilya. Hindi ko na kayang tanggapin na sa pagkakataon na ito, wala na naman akong magagawa sa taong mahal ko. “Nasaan ka na?” tanong ko habang nagpupunas ng luha sa aking mata. Tumingin ako sa orasan. “Malapit na ba kayo sa Tarlac?” tanong ko. Ngayon araw ang pagbisita ni Alex at pamilya ni Sandro sa aming probinsiya sa Pangasinan. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila pagdating sa bahay.” Bumuntong hininga ako at lumingon kay Tyler na puno