Kabanata 5

4988 Words
Kabanata 5  Urgh! Ano ba 'tong mga weird na nararamdaman ko, bakit ngayon ko lang 'to nararamdaman at sa Señorito pa talaga? "Sino ba yang kasama mo kasi Lena? Ipakilala mo naman kami?" Wah! Kia kung alam mo lang life saver ka! Huhu! Mabuti nalang at siya na yong bumasag sa moment of silence namin, dito. "Ang gwapo!" Sabi pa ni Xhea at saka din siya lumapit sa kung san kami nakatayo ng Señorito. "Xhea nga pala." At saka niya inabot yong kamay niya sa harap ng Señorito, akmang gagalaw na sana ang Señorito para makipagkamay kay Xhea ng biglang magteleport si Clara sa pagitan ni Xhea at Señorito. "Mukhang artista sa Maynila." Pahabol pa ni Kia. "Siya ang anak ng Señyora at Señyor, si Señorito Kenzo Saavedra!" Sabi niya kina Clara, kitang kitia ko naman kung pano napaatras mula sa kinatatayuan nila sila Kia at Xhea kasabay ng panglalake ng mga mata nila, nagtratrabaho nga din pala sa tubuhan ng Saavedra ang mga magulang nila. Malakas namang napabuntong hininga ni Clara pagkatapos. "Pasensiya na po Señorito!" Sabay na sabi ni Xhea at Kia. "Hindi namin alam na nakabalik ka na pala." Dagdag pa ni Kia. Sa bagay halos magtatatlong araw palang ang Señorito dito at sinadya talaga na yong nangtratrabaho lang sa Mansion dapat ang my alam, sa pagkakaalam ko nga tumangi pa ang Señorito na magpa welcome party ang Señyorita. "It's fine." Simpleng sagot naman ng Señorito kina Kia at Xhea, para din hindi na awkward pinakilala pa din namin isa't-isa yong mga kasama namin ni Clara, bali anim kami pang pito ang Señorito. Una niyo ng nakilala si Clara, Xhea, Kia, Miggy, Kyo, ako at ang Señorito at dahil nga nalaman na nila kung sino ba ang Señorito ayun nahiya na sila. Nauuna silang maglakad at ayaw ko namang iwan mag-isa sa likuran ang Señorito kaya sumabay ako sa kanya kahit ako ramdam na ramdam ko din yong hija. Ni-wala nga akong masabi sa Señorito at mas lalong hindi ko din alam kung anong plano nila Clara basta ang alam ko lang nakasunod lang kami sa kanila. Feeling ko nga mas tumatagal mas lalong nagiging awkward, well, baka ako lang naman yong nakakaramdam kasi mukhang wala namang pakialam ang Señorito sa mga nangyari. Kanina ko pa din kasi napapansin na madaming nakakapansin sa Señorito, sa bagay sino nga ba naman ang hindi. Kung ang height mo is pang basketball player, gwapo, maangas ang dating. Ang lakas ng appeal. Sigh. "Ang gwapo." "Oo nga." "Ngayon ko lang siya nakita dito." "Mukhang tourista at hindi local dito." "San kaya siya banda umuuwi?" "Hi! Kuya pogi!" Mapababae at bakla wala ng nahihiya, makapagpapansin lang sa Señorito, pero ayun nga parang wala namang naririnig ang Señorito kasi diretso lang ang tingin niya. "Sino kaya yong kasama niya?" "For sure maid niya yan, ang cheap ng damit eh!" "Ay! Oo nga impossible namang i-girlfriend niya yong ganyan." At saka ako tinignan nung babae mula ulo hanggang paa pati tuloy ako napatingin sa sarili ko kasabay ng pagbagal ng paglalakad ko. "Mukhang anak ng magsasaka si Ate, girl." At saka sila tumawa ng mga kasama niya habang naglalakad palayo samin ng Señorito. Don na talaga ako napahinto sa paglalakad. "Anong masama sa pagiging anak ng magsasaka?" Mahinang tanong ko pa sa sarili ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Napayuko nalang ako at saka napatitig sa lupa'ng kinatatayuan ko, nakagat ko yong pang-ibabang labi ko at kaunti nalang maiiyak na sana ako ng my maramdaman akong umakbay sakin. Pamilyar sakin yong amoy niya. Dahan-dahan ko naman naiangat yong paningin ko para tignan kung sino yong umakbay sakin at ganun nalang yong panglalaki ng mga mata ko ng makita ko ang Señorito nakayuko at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Napaawang naman yong labi ko at hindi ko alam kung ano yong magiging reaction ko, lalo na ng maramahan pa niyang pinisil yong kaliwang balikat ko, alam niyo yong feeling na para kang kinicomfort ang pinagkaiba lang is wala siya kahit isang salita na sinabi. "S-Señorito..." Tawag ko sa kanya gamit yong napapaos kung boses. "They have left us." Sabi niya sakin at saka siya tumingin sa harapan namin pati tuloy ako napatingin din at ganun nalang yong panglalaki ng mga mata ko, ng wala na nga sila Clara! Ni-hindi man lang nila napansin na hindi na kami nakasunod! Ang masakit pa, wala akong phone hindi ko alam number nila so pano ko sila macocontact? Madami na din'g tao na nakikifiesta kaya mahirap na din sila hanapin. "I think, it's me and you that will just take a walk, here. Is that okay with you?" Malumanay na tanong niya sakin. Pwede bang umuwi nalang? Parang hindi ko kayang mapag-isa kasama ang Señorito ng kaming dalawa lang. "O-okay lang naman sakin, Señorito." Pero nakakahiya naman kung mag-aaya na akong umuwi kais kaya nga siya sumama dito para makagala tas nahiwalay lang ako sa barkada mag-aaya ng umuwi. Sigh. "Let's go then." Sabi niya at ganun nalang yong gulat ko ng hinawakan niya yong kanang kamay ko sa my palapulsuhan ko, at saka siya naglakad papunta sa isa sa mga stall ng pagkain. "What is this?" Tanong sakin ng Señorito at saka niya tinuro yong kwek-kwek. Ngumiti naman ako sa kanya at saka siya sinagot. "Kwek-kwek, Señorito. Gusto mong try? Kumunot naman yong noo niya at halata sa mukha niya na takang-taka siya kung ano yong kwek-kwek. "My itlog pugo yan sa loob Señorito, tapos binalot sa arina na nilagyan ng food coloring kaya naging orange at saka yan prinito." Nadala kasi ako ng Señorito sa nagtitinda ng mga street food. Kumuha naman ako ng barbecue stick at saka tumusok ng isang kwek-kwek na kakahango lang mula don sa prinagprituhan. Hinipan ko na muna at nung tingin ko malamig na nilapit sa bibig ng Señorito. Binaling din niya yong tingin niya sakin kaya nagkaeye to eye na naman kami. Parang isang minuto muna kaming magkatitigan hinawakan pa niya yong kamay kung nakahawak don sa my stick ng kwek-kwek at saka niya dahan-dahang binuka yong bibig. "Masarap yan!" Dagdag ko pa, pang-encourage lang na kagatan na niya, hanggang sa tuluyan ng kinagatan ng Señorito yong kwek-kwek. Syempre, nakaabang naman ako sa magiging reaction niya, kung magugustuhan ba niya or hindi. Tulad ng inaasahan ko parang kumakain ng steak ang Señorito, sa tagal ng pagnguya niya ng kwek-kwek. Hindi ko alam kung napapahawak na ba ako sa noo ko or o eh, pag ako kasi yong kakain ng kwek-kwek mga tatlong kagat lang ubos ko na agad, medyo favorite ko din kasi yong kwek-kwet, eh. Etong si Señorito parang nagshoshooting ng commercial ng kwek-kwek, kakaloka! At finally naubos na din ng Señorito yong kwek-kwek. Hindi ko alam pero excited kung malaman kung nagustuhan ba niya or hindi. "Ano, gusto mo pa ba Señorito?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Magkasunod naman siyang tumango at saka niya sinabing - "I want this, this and this." Nanglaki naman yong mga mata ko ng isa-isang niyang tinuro yong fishball, kikyam at saka yong chicken balls. "Sige, kukuwanan kita Señorito." Natutuwang sabi ko naman sa kanya at saka ko ginamit ulit yong stick na hawak-hawak ko para tumusok ng isang pirasong fishball. Tulad ng ginawa ko sa kwek-kwek hinipan ko na muna at saka ko sinawsaw don sa basong bigay ng tindero, na my lamang sawsawan na bago ko sinubo sa Señorito since kinuha ko yong fishball diretso don sa kawaling pinagprituhan ng nangtitinda. Sa sorbrang pag-eenjoy ko sa pagpapakain sa Señorito, hindi ko na nga naalala na nahiwalay na talaga kami sa barkada. "Ang sweet naman nilang magboyfriend." "Sana all nagsusubuan kahit sa fishballan lang nagdedate." "Ang swerte ni Ate sa kanya lang talaga nakatingin sa kanya si Kuya. Sana makahanap din ako ng ganyang lalake na sakin lang titingin kahit andami ng girls na nagpapapansin sa kanya." "Mapapasana all ka nalang." At saka sila tumawa, na parang kinikilig. Pasimple naman akong napalinggon sa my gilid ko, sino kaya yong pinag-uusapan ng mga girls na 'to pero ganun nalang yong pagkunot ng noo ko ng makita kung nakatingin sila samin ng Señorito. Ngumiti pa nga yong isa sa mga girls sakin eh at saka na sila naglakad palayo ng mga kaibigan niya. Don ko lang din napansin na mas madami na palang girls dito sa tindahan ng fishballan at my nakikita pa akong tinuturo-turo kami ng Señorito. Agad naman akong nakaramdan ng init sa magkabilang pisngi ko. Sana lang talaga hindi narinig ng Señorito yong usapan ng mga girls, nakakahiya naman para sakanya na yong isa sa mga kasambahay nila eh, napagkamalan na girlfriend niya. Huhu! "Akala ko ba ayaw mo ng fishball bakit dito tayo?" Tanong pa nung isang lalake sa kasama niyang babae at sa tingin ko ay magboyfriend sila. "Wala lang... nagbago yong isip ko." Sagot naman ni Ate girl, malapit lang sila samin kaya rinig ko yong usapan nila at pagtingin ko nakatingin si Ate girl sa Señorito. Hindi ko alam kung imagination ko lang 'to pero kung nakakatunaw yong tingin niya baka kanina pa natunaw ang Señorito. Hmp! Ano bang nangyayari dito? Nakakaloka namang kasama ang Señorito mashadong agad atensyon. "Hindi naman yong fishball ang pinunta mo dito eh! Mukhang iba!" Narinig ko pang sabi ng lalake'ng kasama ni Ate girl. Don ko ang din napansin na nakatingin siya sakin ng Señorito o mas magandang sabihin na nakatingin siya sa Señorito ng masama. Hindi naman siguro niya susuntukin ang Señorito? Ganun kasi yong napapanuod ko sa TV. Urgh! Napapaover think na naman ako at naisip ko na baka suntukin ni Kuya ang Señorito sa pag-aalala ko napakapit nalang tuloy ako sa braso ng Señorito, naisip ko lang na kapag nakadikit ako sa Señorito, hindi niya masusuntok ang Señorito. KASO LANG NAKAKHIYA KASI - Sunod ko nalang nakita is nagwalk out na yong lalake at hinahabol siya ni Ate girl. So, nakita niyang titig na titig si Ate girl sa Señorito? Naku! Mukhang mag-aaway pa sila. "Selena." Napaangat naman yong tingin ko ng marinig ko yong baritong boses ng Señorito na tinatawag yong buo kung pangalan. Pag-angat ko naman ng tingin sa mukha niya nakakunot yong noo niya at saka siya nagtanong na - "What are you doing?" At saka siya nagpabalik balik ng tingin sa mukha ko at saka dalawa kung kamay na nakayakap sa braso niya. Nanglaki naman yong mga mata ko, agad na bumilis yong t***k ng puso ko at ramdam ko yong pag-init ng buong mukha ko. Napaawang naman yong bibig ko at agad na nagpanic sa sobrang papanic ko, mabuti nalang nakalas ko yong pagkakahawak sa braso ng Señorito. Nagkakatitigan din kami ng ilang seconds o parang halos isang minuto din yon bago ako nakabawi at saka nahihiyang nagpaliwanag sa Señorito. "Nag... nag-alala lang naman ako baka kasi suntukin ka nung lalake kanina, Señorito." Napakunot naman yong noo niya at halatang wala siyang idea sa sinasabi ko. Urgh! Mukhang hindi pa aware ang Señorito don sa nangyari sa magjowa kanina. Agad ko namang naramdaman yong pag-init ng buong mukha ko sa sobrang pag-oover think ko!  "Ka-kalimutan mo na yong sinabi ko Señorito!" Sa sobrang hiya na nararamdaman ko, naglakad ako palayo sa Señorito, ni-hindi ko nga napansin na ang bilis ko palang maglakad at nakalimutan na halos maiwan ko na ang Señorito. Pero asa naman akong maiwan ko ang Señorito, matangkad at mahahaba ang binti ng Señorito kaya madali pa din niya akong mahahanap sa alon ng mga tao at saka maabutan at maabutan din niya ako sa paglalakad. "Selena." Kahit na maingay sa paligid narinig ko pa din yong baritong boses ng Señorito kasabay ng paghawak niya sa isa sa palapulsuhan ko. Napahinto naman ako sa paglalakad at dahil hindi ko din inaasahan yong pagkuha niya sa kamay ko, medyo nawalan ako ng balance kaya ang ending is natumba yong mukha ko sa katawan ng Señorito. Ang tigas naman ng dibdib ng Señorito at ang bango pa niya! Agad naman bumilis yong t***k ng puso ko, ni-hindi ko din napansin na yong isa palang kamay ko ay nakahawak na pala dibdib ng Señorito. "Se-Señorito." Kinakabahang tawag ko pa sa kanya. Yumoko naman siya kaya agad na nagtama yong paningin namin. Napaawang naman yong bibig ko at natulala nalang sa Señorito ng iangat niya yong isa niyang kamay at saka pinatong sa ibabaw ng ulo ko. "I appreciate your care for me, Selena. Thank you, however stop over thinking things. 'kay?" Wala sa sarili naman akong napatango nalang. "It's my first time seeing those kind of street foods." Ano daw? Yong totoo Señorito nasang planeta ka tumambay nung hindi ka pa nagbabakasyon sa Hacienda? Pakiramdam ko tuloy namiss mo yong kalahati ng buhay mo kasi ngayon ka lang nakaktikim ng street foods, eh ang sarap sarap pa naman pa naman nun! Sabi niya habang naglalakad lalakad kami, sinusubukan din kasi naming mahanap sila Clara. "I liked what we ate and I want to try it again next time." Dagdag pa ng Señorito, natutuwa naman ako na nagustuhan niya. At least alam na natin na hindi naman maselan sa pagkain ang Señorito. Ang cute niya tuloy tignan. "Sasamahan kita ule sa susunod, Señorito!" Excited ko namang sagot sa kanya at saka ko siya binalinggan ng tingin at ngumiti sa kanya. Tumango naman siya at hindi ko alam kung ako lang ba 'to o parang umangat naman yong isang gilid ng labi ng Señorito na para bang ngumiti din siya sakin pero saglit lang kasi yon kaya baka imagination ko lang. Sa kakalakad naman namin hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa my park, kaunting lang yong tao at mukhang yong mga nandito pa is yong mga couples pa. Yong mga night lights din na nakasabit sa my puno is nakailaw na, ang romantic tuloy ng ambiance. Nagtuloy lang kaming sa paglalakad hanggang sa my nakita kaming bakanteng upuan, tamang-tama at kanina pa din kami naglalakad ng Señorito at medyo mahaba na yong nilakad namin kaya nag-aya na akong umupo. "Señorito tara dito na muna tayo." Automatic ko namang nahila ule sa palapulsuhan niya ang Señorito, mabuti nalang at nagpadala din naman siya hanggang sa nakita ko nalang yong sarili ko at ang Señorito nakaupo at nakatingin sa madilim na lake ng park. Ilang minutes lang din kaming nakatingin sa madilim na tubig sa my lake ng park. Hindi na din naman makirot yong paa ko kaya naisip kung ayain ang Señorito na umuwi na kung hindi na talaga namin mahanap sila Clara. Medyo mahanfin niya din sa part na 'to ng lake kaya medyo pumipikit pikit ako mahirap nang mapuwing yong mga mata ko. Nakakunot naman yong noo ko ng medyo naging busy na ang Señorito, para siyang my iniinda sa my bandang mata niya. "Señorito, tara na kaya?" Tanong ko at saka ako tumayo sa kinatatayuan ko, hindi naman ako pinansin ng Señorito, at nagtuloy pa din siya sa pag-rub ng mga mata niya. Naisip ko kasi kung tatanungin ko siya kung okay lang ba siya baka sabihin niya nag-o-over think na naman ako pero kasi - "Señorito?" Tawag ko ulit sa kanya at saka ako umiot para makapunta sa my harap niya at saka yumuko, ayun naglevel tuloy yong mga mukha namin kasi naka-upo siya diba? "Napuwing ka Señorito?" At saka ko mas nilapit yong mukha ko sa mukha niya since wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. Hindi ko alam kung pano pero bigla nalang my lalake'ng natumba sa my likuran ko at sunod na nangyari is sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha ng Señorito na nagkakaduling duling na ako. "Ate sorry! Sorry po talaga!" Narinig kung sabi ng boses sa my likuran namin. "Ikaw kasi ang harot mo!" Sagot naman ng boses din ng isang lalake. "Sorry po!" Yan yong huling narinig ko na sabi ni Ate girl bago nawala yong mga boses nila sa likuran namin ng Señorito. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na kulang nalang lumabas na sa rib cage ko yong puso ko, ang Señorito naman is nakasandal na don sa my kinauupuan niya. Tapos yong lips ko my nafefeel na malambot. Hindi ko alam kung anong tamang gawin, lumayo ba? Pero pakiramdam ko tinakasan na ako ng lakas ko kaya hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa iangat ng Señorito yong isa sa mga kamay niya tapos naramdamam ko nalang yong kamay niyang yon sa my batok ko at saka niya mas diniin yong pagkakalapit ng mukha namin sa isa't-isa. Hanggang sa sunod kung naramdaman is yong paggalaw ng lips niya sa lips ko, nanglaki naman yong mga mata ko at medyo napaawang yong pa yong bibig ko, tinake naman ng Señorito yong chance na yon para ipasok yong dila niya sa loob ng bibig ko! Ano bang nangyayari? Bakit nangyayari 'to?! Huhu! First kiss ko! Kulang nalang lumabas na sa eye socket ko yong mga mata ko sa nangyayari ngayon. Para lang akong manika na nakatayo sa harap ng Señorito at hinahayaan siya sa ginagawa niyang paghalik sakin. Kung hindi nga niya siguro hawak yong bewang ko at likod ng ulo ko, baka kanina pa ako nakatumba sa kinatatayuan ko. Naalala niyo ba yong sabi niya sakin nung una kamig magkita don sa my falls at nakita niya akong damit na walang pang-itaas, kasi ako naalala ko pa yong eksatong sinabi niya. "Baby remember this... you're too young for me and what I saw the other day is nothing." Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinahalikan ngayon. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at pakiramdam ko nag-uumapaw na yong emosyong nararamdaman ko hanggang sa tuluyan ng tumulo ng sunod-sunod yong mga luha ko. Mas naging dahilan pa yon para mas lalo akong kapusin sa paghinga. Tinaas ko naman yong dalawa kung kamay at saka pinatong sa dibdib ng Señorito at saka sinubukan siyang itulak palayo sakin. "Se-Señorito." Umiiyak na tawag ko sa kanya at sa pangalawang pagkakataon sinubukan ko na naman siyang itulak sakin mabuti naman at lumuwag na yong pagkakahawak niya sa likod ng ulo ko at bewang. Paunti-unti naman niyang nilayo yong katawan niya sa katawan ko pero nakayakap pa din sa bewang ko yong isa niyang kamay, yong kamay lang niya sa likod ng ulo ko yong inalis niya. Bago naman niya tuluyang nilayo yong lips niya sa lips ko marahan na muna niyang kinagat yong pang-ibabang labi ko at saka niya pinagdikit yong lips namin ng ilang seconds bago niya nagbigay ng distansya sa pagitan ng mukha namin pero nakasandal naman yong noo niya sa noo ko. Kahit na din nanglalabo yong paningin ko napansin ko pa din yong ginawa niyang pagpikit kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko sa napapaos na boses. "Selena." Naikuyom ko naman yong mga kamao kung nasa gilid ng magkabilang bewang ko at hindi ko talaga alam kung pano pero sunod kung ginawa is inipon lahat ng lakas ko sa my left hand ko at pakiramdam ko my sariling buhay yong left hand ko kasi kusang umangat sa ere at saka ko sunod na naramdaman yong pamamanhid ng left hand ko sa lakas ng sampal ko sa kaliwang pisngi din ng Señorito. "Mali yong ginawa mo Señorito!" Lakas loob kung sabi sa kanya at saka ako tumalikod at akmang magwawalk out na sana kaso lang - "Ayun pala sila Lena eh, kasama ang Señorito!"  "Oo nga!" "Tara lapitan na natin!" Narinig kung sabi pa ni Xhea. Symepre, magtataka yong mga yon kung bakit ganito kami kalapit ng Señorito sa isa't-isa kaya kahit na nanghihina pa ako inipon ko lahat ng lakas ko at saka umatras ng ilang steps palayo sa Señorito at tuluyang naupo don sa bench na nasa likuran ko lang din, don na din nakalapit ng tuluyan sila Xhea, Kia, Clara, Kyo, Miggy at Marco na mukhang wala sa mood. Halata sa facial expression niya kasi magkadikit yong mga kilay niya at parang nababalutan siya ng dark aura. My nangyari ba nung nahiwalay kami sa kanila? "Sa wakas nahanap na din namin kayo!" Xhea "Akala namin uuwi na kaming wala kayo ng Señorito." Clara "Nakalibot na din kami sa fiesta! Ang saya! Kayo ba?" Tanong pa ni Kia, magkasunod naman akong tumango kasi kinukondisyon ko pa yong sarili ko para hindi nila mapansin yong ginawa kung pag-iyak. Huminga naman ako ng malalim at saka ko pinilit na maging normal yong boses ko. "O-oo. Oo nakalibot na kami." At saka ako ngumiti sa kanila pero sa tindi ng tingin sakin ni Marco, halatang hindi siya naniniwala sa sagot ko. Habang inaabangan ko pa nga yong paglalakad niya, pakiramdam ko nagiging slow motion lahat ng pagglaaw sa paligid ko. Mali sana yong naiisip na na napansin niyang my kakaiba ng sakin pero sa klase kasi ng pagtingin niya parang nababasa niya yong nasa isip ko, eh! Kaso lang – "Nagkaayaang umuwi na kaso lang wala namang pasok bukas tapos my pamigay na lambanog sila Uncle Ceasar kanina! Sayang naman kung hindi maiinom!" Sabi ni Xhea at siya yong naglakad palapit sa kung san kami nakaupo ng Señorito kaya napatigil sa paglalakad si Marco at nanatili nalang nakatayo pero intense pa din makatingin sakin. "Lenam sama kayo ng Señorito para masaya!" Clara "Nakatikim ka na ba ng lambanog, Señorito?" Tanong naman ni Miggy. "Not yet. I also don't know what that is." Sagot naman ng Señorito sa tanong ni Miggy. "Mapapasana all rich kid ka nalang." Kia "Kia." Suway ko naman sa kanya kasi baka isipin pa ng Señorito na sarcasm yon. "Alam ko na para naman my idea ka sa kung ano yong lambanog, Señorito sama ka na samin sa inuman!" Banat pa ule ni Kia at baka pa ako makatanggi, nahila na nila kami paalis ng parke. Sunod ko nalang nakita is nakabalik na kami ng rancho at dito kami sa my tambayan ng mga helpers malapit sa kuwarda ng kabayo nagdecide na mag-iinoman. Ngayon lang din paunti-unting nagsisink in yong nanyari samin ng Señorito don sa parke, hindi ko alam pero hiyang-hiya ako sa ginawa kung pagsampal sa kanya. Kung pwede nga lang kainin na ako ng lupa, papaya na ako eh! Nag-aalala din ako na baka malasing ang Señorito sa lambanog eh malakas pa naman yong tama nun. Kahit nga si Tatay, wala pa sa sampung shot nun nalalasing na agad eh. Pano pa kaya ang Señorito, na ngayon lang makakatikim ng lambanog. Yong mga boys na yong nagset up ng mesa at pati na din yong mga upuan samantalang yong girls naman yong nagprepare ng maiinom at mapupulutan. Talagang plinano na nila 'to kasi my nabili na silang chaser, pulutan at bukod sa lambanog na iinumin my iba pa silang brand ng alak na binili. Nahihiya naman akong iwan ang Señorito para tumulong sa mga kaibigan ko at alam kung naiintindihan naman nilang lahat yon kasi pagkarating pa nga namin sinabi na agad ni Clara na – "Ikaw na muna bahala sa Señorito, dito na muna kayo habang nag-aayus kami don." Sigh. Kaya ang ending naupo nalang ako din sa my pahingahan sa ilalim ng malaking puno ng manga, sumunod naman ang Señorito pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. Baka kasi mangyari na naman kung nangyari sa park kung uupo din siya sa tabi ko. Well, mas mabuti na din kasi medyo kinakabahan pa din ako ngayon at hindi pa din mawala-wala sa isip ko yong nangyari kanina don sa park. Huhu! Wala na yong first kiss ko. Ilang minutes na din yong lumipas pero wala pa ding nagsasalita ni-isa samin ng Señorito at mas nagugustuhan ko din na wala siyang sasabihin, hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin eh! At saka bakit ba kasi ang tagal mag-ayus nila Clara don? Ano gumagawa pa ba sila ng set up sa table na pag-iinuman nila? Tulad ba yon ng pag-aayus sa kinakain ng Señorito at ng parents niya? Hanggang sa hindi na ako nakatiis at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko, chicheck ko na bakit ang tagal nila mag-ayus don. "Where are you going?" Tanong ng Señorito ng akmang lalakad na ako palayo sa kanya. "Uh, chicheck ko lang sana kung okay lang ba yong inaayus nila don... Señorito." Nag-aalangan kung sabi sa kanya. Tumango naman siya at wala na din akong narinig na my sasabihin pa siya kaya maglalakad na sana ako palayo kaso lang – "I'm not sorry for what I did. I like it. I like the kiss I shared with you." Nanglaki naman yong mga mata ko at halos hindi ko na maramdaman yong puso kung ambilis bilis na naman ng t***k sa loob ng rib cage ko. Akala ko ba mashado akong bata para sayo? Kung ganun hindi ako yong type mo, diba? Kaya hindi ko maitindihan kung bakit. Hindi ko na nagawang sumagot at tumakbo nalang ako palayo sa Señorito. "Lena! Hoy Lena! San ka pupunta?" Nagtatakang tanong sakin ni Clara. "Uh, pupuntahan ko sana kayo para icheck kung okay na ba?" Hindi sure na sabi ko sa kanya mas lumalim naman yong pagkakakunot ng noo niya. "Eh, nilagpasan mo na kami. Kanina ka pa ni Xhea tinatawag pero para kang walang naririnig. Nakahigh ka girl?" Nakakahigh pa yong halik ng Señorito? Balik tanong ko naman sa sarili ko. Sunod-sunod naman akong napailing at dalawang beses ko pang kinatok katok yong gilid ng noo ko para matauhan ako sa mga kabaliwang naiisip ko. "My nakita kasi ako don! Akala ko my iba pang tao dito bukod satin!" Palusot ko nalang pero shuta naman! Joke lang! So kung my multo man dito, joke lang po! Huwag kayong magpaparamdam samin, lalong-lalo na sakin at solid pa naman kapag natakot. Parehas namang naglaki yong mga mata nila Xhea at Clara, napatakbo din tuloy si Xhea kay Clara at kumapit sa braso niya. "Na-nakakakita ka na ng multo?" Medoy kabadong tanong ni Xhea sakin. Naniniwala na ba kayong magkaibigan talaga kami ni Xhea kita niyo naman mabilis din siya maniwala kahit na gumagawa gawa lang naman ako ng kwento. "Hindi. Imagination ko lang yon." At saka ko binago yong topic. "Ano tapos na ba kayo magset up?" At saka ako sumilip sa likuran nil, mukhang okay nan ga yong inaayus nila. Andon na yong mga pulutan, my mga baso na din. Aba! Mukhang special yong inuman ngayon kasi my kanya kanyang baso! Kapag kasi kami kami lang eh, an madalas iisang shot glass at iisang baso lang din yong meron para sa mag iinuman. "Oo okay na, naayus na namin. My juice din para don sa mga ayaw mag-inom." Tumango naman ako sa sinabi ni Clara. "Tawagin mo na ang Señorito, para makapagsimula na tayo." Dagdag pa ni Xhea. Ayuko na muna bumalik don! Huhu! Kaya naman nagpalusot na muna ako – "Naiihi na kasi ako, pwede bang ikaw na ang sumundo sa Señorito, Clara?" At saka ko hinawakan yong tyan ko para maniwala siyang need ko nga talagang maagCR. Bumuntong hininga naman siya at saka sinabing – "Sige na nga." At ayun nga naglakad na siya palayo samin ni Xhea pero mukhang napansin ni Xhea yong ginawa ko kasi nag-ask siya sakin habang nakakunot yong noo niya. "Iihi ka lang pero yong tyan mo yong hahawakan mo? Masakit tyan mo?" Natawa nalang ako at saka inaya siyang pumunta na don sa table since isa-isa na din namang nag-upuan don yong mga boys. "Kung ano-ano napapansin mo, halika na nga baka unahan pa tayo ni Clara sa magandang puwesto ng mauupuan kapag nauna siyang nakabalik." At saka ko siya hinawakan sa my palapulsuhan niya para mahila na siya paalis dito sa kinatatayuan namin, baka totoong lumabas na yong multo kapag dito pa kami nagchikahan, eh. So, ganito yong naging set up nung pagkakaupo namin since nasa round table kami. Si Clara tapos Miggy tapos si Xhea then si Marco, ako tapos ang Señorito, si Kyo at Kia. "San natin sisimulan yong shot?" Tanong ni Kia. "Alam ko na para fair, spin the bottle kung sin yong mauunang magshot." Sagot naman ni Xhea. "Bakit hindi nalang mauna ang Señorito, total at eto ang unang beses na makakatikim siya ng lambanog." Suggestion naman ni Marco. Hindi ko alam kung nag-o-over think lang baa ko or parang my iba sa tono ng boses ni Marco. Naiinis ba siya sa Señorito, pero bakit naman? At saka sa pagkakakilala ko kay Marco, hindi naman yan maiinis sa isang tao ng basta basta lalo na kung wala namang ginagawang masama sa kanya. "Oon ga mauna nalang ang Señorito, para naman hindi nakakahiya!" Sabi ni Kyo at saka niya kinuha yong shot glass at nagsalin ng one fourth na shot ng lambanog. Nagsalin din sila ng coke sa isa pang baso pang chaser ng Señorito at ng okay na inabot nila sa Señorito yong shot. Nagpalipat lipat naman yong tingin ko sa Señorito at sa dalawang basong hawak niya. Nag-aalala. Baka kasi hindi magustuhan ng Señorito, well mas maganda nga yon na hindi niya magustuhan para hindi siya malasing at tumigil na sa inuman na 'to. Kaso sino ba ako para pigilan ang Señorito sa gusto niya? Since ako naman yong personal maid ng Señorito ang magandang magagawa ko nalang is bantayan siya. Hinawakan na ng Señorito yong shot glass na my lambanog at saka inamoy na muna, nakakatawa lang kasi lahat kami ay nakabantay sa Señorito sa gagawin niyang pag-inom. "It smells strong, uhhm, like vinegar." Sabi pa ng Señorito. "Aayaw ka na ba Sir?" Mahahalata mo talaga yong pang-aasar sa boses ni Marco, kaya napatingin ako sa kanya at don ko lang din napansin na nakatingin din pala siya sakin. Wala akong mabasang kahit na anong expression sa mukhang niya pero kababata ko siya eh, kilala ko siya. Ayaw niya sa Señorito. Pero bakit? Wala naman akong maalala na my nangyaring hindi nila nakapagkasunduan. "No. I'm no like that." Simpleng sagot naman ng Señorito sa kanya. Nag-oover think na naman ba ako kasi parang nafefeel ko din na my pagka-ayaw ang Señorito kay Marco. Sigh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD