Kabanata 4

4999 Words
Kabanata 4 "Kamusta naman ang unang araw mo sa Señorito, anak?" tanong sa akin ni Nanay habang naghahapunan kami. Nilunok ko naman 'yong kinakain ko at saka ako uminom ng tubig. Gusto kong sabihin sa kanila ni Tatay na ayoko nang bumalik bukas! Pero for sure magtataka sila kung gagawin ko 'yon. Ngumiti ako para ipaalam sa kanila na okay lang ang lahat at saka ako nagkuwento. "Okay naman po, Nay. Nakasunod lang po ako kay Señorito at sa mga kaibigan niya buong maghapon at kung may gusto po silang iutos sinasabi nila sa 'kin." "Mabuti naman kung ganoon at mabait sila sa'yo, 'nak." Kung alam mo lang, 'Nay. Mabait? Feeling ko nga hindi nila alam ang salitang mabait eh! Lalong-lalo na 'yong babaeng dikit nang dikit sa Señorito na mukhang kasintahan nito, si Miss Andi. Nagkamali din yata si Clara nang sabihin niyang walang kasintahan ang Senyorito, eh unang araw ko pa lang na nakasunod ako sa kanila ay kung anu-anong kahalayan ang nakita ko. Hay. Ganito kasi yon... "Magandang umaga din sa'yo, Selena. Kamusta ka?" tanong sa akin ng Señyora, ewan ko ba, nahihiya ako sa kanya at the same time para komportable naman. Ang gulo lang, 'di ba? Kinagat ko naman 'yong pang-ibabang labi ko bago ko siya sagutin na maayos naman ako. At hindi na muling nagsalita pa. Ano bang meron at pinatawag kami ng Señyora? Lumingon na muna siya kay Señorito na mukhang sinenyasan niyang lumapit sa amin, kaya ganoon nga ang ginawa nito. Lupa, lamunin mo na lang ako! paulit-ulit kong sigaw sa isip ko habang naglalakad palapit sa amin ang Senyorito, at namalayan ko na lang na nakatingin lang siya nang diretso sa 'kin at hindi na naman mawala sa isip ko ang nangyari sa talon noong nakaraan! Nakita niya 'yong dibdib ko at halos wala na akong maitago sa kanya! Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha at tenga ko sa sobrang hiya sa nangyari! Gustong-gusto ko nang umalis at magtago na lang sa loob ng bahay namin pero alam kung magtataka sila! At baka maging daan pa iyon para malaman nila ang nangyari! Mas lalong hindi katanggap-tangap! Hay. Ilang segundo rin kaming magkatitigan ng Señorito bago ako nag-iwas ng tingin, lalabas na yata mula sa loob ng ribcage ko ang puso ko sa sobrang kaba! Pero mukhang para sa kanya ay wala lang 'yon! Tulad ng huli, wala pa rin akong makitang kahit na anong reaction man lang sa mukha niya. Sabagay, hindi na ako magtataka kung ganoon na nga at mukhang sanay na siya na makakita ng babaeng hubad! Mayaman, pogi at tulad ng sabi ni Clara, 'yong mga magulang na mismo ng mga business partner nila ang naglalakad sa mga anak na babae nila sa Señorito kaya hindi na ako magtataka kung isang tingin pa lang niya ay makukuha na agad niya ang isang babae. Baka nga nawala na rin 'yon sa isip niya. Kung tutuusin ay masyado pa akong bata para sa kanya at baka ang tipo niya ay 'yong mga mature at parang FHM moels na mga babae. Urgh! Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko?! Bakit biglang napunta na sa tipong babae ng Señorito eh, 'yong dibdib ko ang nakita niya! Nabaling naman ang atensyon ko sa Señyora nang muli itong magsalita. "Alam ko namang lahat kayo ay kilala na si Kenzo pero dahil ikaw na muna ang magiging personal na assistant ng anak ko habang nagbabakasyon siya rito sa Hacienda, gusto kong pormal kayong magkakilala." At saka nagpalipat-lipat ng tingin ang Señyora sa amin ng Señorito. Mukhang nakalabas na mula sa ribcage ko ang puso ko. Hindi ko na maramdaman ang kaba ko pero ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko sa mga nangyayari ngayon! "Kenzo, this is Selena. She's one of our workers here at the Hacienda, minsan lang siya pumunta dito sa bulwagan dahil sa rancho talaga ang trabaho nila ni Marco, kasama ang mga magulang niya. But since you're interested with horses, I've picked someone familiar with the work. And here she is." At saka ako tinuro ng Señyora sa Señorito. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong sabihin o gawin. Itataas ko ba 'yong kamay ko para magkapagkamay kami? Pero pwede ba 'yon? Trabahador lang nila ako. Bago pa ako makapag-react, nagsalita na siya at sa totoo lang, kung pwede magbukas ang lupa para lamunin ako, uunahan ko na siya at tatalon na lang ako! "Yeah, I met her the other day at the falls," makahulugang sabi niya sa 'kin at saka siya ngumisi. Hindi rin nakatakas sa 'kin ang pagtingin niya mula sa mukha ko hanggang sa may bandang dibdib ko. Hindi ko alam kung nag-o-overreact na ba ako o talagang nagtagal ang mata niya sa dibdib ko! Abot langit naman ang kaba ko at hiya sa nangyayari ngayon! Dahil morena naman ako, confident naman akong hindi nila nahahalata ang pamumula ng mukha at tenga ko. "Really! That's nice at least pamilyar na pala kayo sa isa't-isa," sabi pa ng Señyora. "More than familiar," sagot naman ng Señorito at saka muling tumingin sa 'kin. "Do you agree with that, Selena?" tanong pa niya sa 'kin. Napaatras naman ako mula sa kinatatayuan ko at hindi alam kung anong dapat sabihin. Wala na nga akong ibang maisip kung hindi ang mag-walk out nalang ng maramdaman ko ang marahang paghawak ni Marco sa braso ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin, tulad ng sa Señorito wala rin akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya at mukhang ramdam din niyang hindi ako komportable. Hindi ko rin naman kasi nasabi sa kanya na nagkita pala kami ng Señorito sa talon! Baka rin kasi magtaka siya kung bakit biglang may ibang lalaki sa talon at kung ano-ano pa ang maitanong niya sa 'kin! Hindi pa naman ako sanay magsinungaling at baka masabi ko pa sa kanya ang mga nangyari! Na may nakita na ang Señorito sa 'kin na hindi dapat! "Ayos ka lang ba?" pabulong na tanong sa 'kin ni Marco. Sabi ko sa inyo eh, pagdating kasi sa 'kin, medyo over protective 'to. Tumango na lang ako at ngumiti. May sasabihin pa nga sana siya base na rin sa pagbuka ng bibig niya pero napatigil siya nang magsalita ulit ang Señyora. "Ngayon ka na nga pala magsisimula bilang assistant ni Kenzo. Sana ay ayos lang sa'yo, Selena?" Wala naman po akong choice, 'di ba? Tumango na lang ako kahit na ramdam na ramdam kong mukhang ikakapahamak ko lang 'to. "Huwag kang mag-alala at madali lang naman ang trabaho mo, Hija, susundan mo lang naman 'tong anak ko at alam mo na hindi pa din siya ganoon kapamilyar sa Hacienda." Señyora, mukhang hindi naman po siya mawawala kasi malaki na ang Señorito, sagot ko naman sa isip ko. "At oo nga pala, Marco, meron parang bahay ng bubuyog doon, pwede mo ba akong samahan para matingnan 'yon?" tanong ng Señyora, para silang bula ni Marco na nawala sa harapan namin ng Señorito. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong gawin o sabihin noong naiwan kaming dalawang Señorito. Kaya nagdesisyon akong tumayo na lang sa kinatatayuan ko at titigan ang sahig. Urgh! Masyadong awkward! Hindi lang naman ako ang nag-iisang nagtratrabaho sa rancho. Bakit hindi na lang iba 'yong napili nila? Pero kung iisipin, ako at si Marco lang ang bata pa at karamihan ay may edad na, tulad ni Nanay at Tatay at mas madami rin namang lalaking trabahador dito. "Are you still thinking about yesterday?" makaraan ang ilang minuto, narinig ko ang Señorito na nagsalita. Kusa tuloy umangat ang ulo ko at napatingin sa kanya. Muli na namang nagkasalubong ang tingin namin. Hindi ko magawang mag-iwas kasi parang may magnet ang mga mata niya! Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa 'kin at hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang mabango niyang amoy! Alam n'yo ba ang feeling na parang ang sarap yakapin no'ng tao kasi ang bango-bango niya? 'Yon kasi ang napi-feel ko ngayon. Naikuyom ko naman ang palad ko at saka nag-iwas ng tingin sa kanya pero ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang baba ko para maiangat ang mukha ko at muling magtama ang paningin namin. "Señorito," mahinang tawag ko sa kanya. Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit ginagawa niya 'to? Sobrang kinakabahan din ako kasi hindi ako sanay sa ganito. Kahit nga si Marco ay hindi ginagawa sa 'kin 'to. Sa sorang lapit nga namin sa isa't-isa ay naaamoy ko na ang amoy mint niyang hininga. "Baby remember this, you're too young for me, and what I saw the other day was nothing." At saka niya binitiwan ang baba ko at medyo humakbang nang kaunti para magkaron kami ng distansya. Agad namang gumigilid ang mga luha ko sa sinabi niya, sunud-sunod pa akong napalunok, para sana pigilan ang luha ko, kaso trinaydor ako ng mga mata ko dahil madali talaga akong maiyak, kaya kahit na anong pigil ko, tumulo pa rin ang luha ko habang nakatingin siya sa 'kin. Hindi niya maiintindihan kasi lalake siya at babae ako! Wala akong kahit na anong karanasan kaya hindi niya dapat sabihin na hindi 'yon big deal! Mas lalong dapat siyang maging sensitive kasi tulad nga ng sabi niya bata pa ako! Ang gwapo niya ang sama naman ng ugali! "Oh bakit nakasimangot ka jan?" Tanong sakin ni Clara. Napalingon naman ako mula sa kinauupuan ko kasabay ng pagnuod ko sa kanya sa paglalakad papalapit sakin. Sigh. "Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa, ah? Anyari?" Tanong pa niya ng tuluyan na siyang makalapit sakin. Tumabay na muna ako sa kwadra ng mga Kabayo kasi – "Uhm, meron ka pa bang ipag-uutos Señorito?" Magalang na tanong ko sa kanya kahit na sumasama na yong loob ko dahil sa sinabi niya. Busy'ng busy pa siyang nagcecellphone at umaasa pa ako na mag-aangat siya ng tingin kapag sasagutin niya yong tanong ko kaya nakaabang talaga ako sa kanya, kaso lang umiling lang siya. Tumitig pa ako ng ilang minutes umaasa na kahit mag-angat man lang siya ng tingin pero wala talaga eh, hanggang sa mukhang nakaramdam na din siya na hindi man lang ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. "You can go for now; I'll call if you I need something you have to do for me." After niyang sabihin yon, inikot na niya yong swivel chair na kinauupuan niya paharap don sa glass wall kung san nakikita yong malawak nilang lupain. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko at saka nakayukong lumabas ng library kung san nag-ooffice ang Señorito. Hindi ko alam pero nawala na din ako sa mode na hindi ko din napansin na naglakad na pala ako papunta sa my kwadra ni Julia at ng iba pang kabayo. "Wala gutom lang." Sagot ko naman sa kanya. Tumango naman siya at saka niya iniba yong topic. "Nag-aaya ang barkada mamayang gabi gala daw tayo sa my fiesta sa bayan! Sabi nila sakin isama na daw kita kapag tapos na tayo dito sa hacienda." "Pwede naman akon sumunod papaalam lang ako kina Tatay –" Pero bago ko pa matuloy yong sasabhiin ko, kinut na niya ako agad. "Gasgas na yang palusot mo! Nawala na nga ako sa bilang kung ilang beses mo na yang sinabi pero ang ending hindi ka naman sumisipot! Wala namang Lena na sumusunod sa mga lakad ng barkada!" "Pero baka kasi mag-alala sila Nanay kung hindi ako magpapalaam." Wala din naman kaming mga cellphone na pwedeng gamitin pang message sa isat'-isa. "Nasabi ko na, nakasalubong ko kanina si Aling Saling pumayag naman!" Nanglaki naman yong mga mata ko. "Seryoso?" Hind makapaniwalang tanong ko pa sa kanya. Magkasunod naman siyang tumango. "Oo nga kasi kaya okay na huwag kana magpanic jan, nagbilin pa nga si Aling Saling na –" At ginaya pa niya yong boses ni Nanay. Sigh. "Mag-iingat kayo at huwag magpapagabi." Sa bagay yan nga yong madalas na linyahan ni Nanay kapag my pupuntahan ako. "Sige na nga tagal ko na din'g hindi nakikita yong ibang girls eh! Miss ko na sila pero magpapaalam muna ako sa Señorito bago tayo aalis mamaya, para makasiguradong wala na siyang ipag-uutos." "Sama mo naman ako!" Excited pang sabi ni Clara. "Gusto ko din siyang makita!" Imagination ko lang ba 'to o parang nagheheart heart yong eye balls niya habang binabangit niya ang Señorito. Sigh. For sure susungitan ako nito kapag my nasabi akong negative tungkul sa Señorito. "Uhm, sige." Hindi sure na sagot ko sa kanya pero wala naman akong maalala na nagbilin ang Señorito na bawal akong magsama ng katulong dito sa Hacienda kapag pupuntahan ko siya, kaya sa tingin ko wala namang masama at okay lang. "Oh bakit nakasimangot ka jan?" Tanong sakin ni Clara. Napalingon naman ako mula sa kinauupuan ko kasabay ng pagnuod ko sa kanya sa paglalakad papalapit sakin. Sigh. "Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa, ah? Anyari?" Tanong pa niya ng tuluyan na siyang makalapit sakin. Tumabay na muna ako sa kwadra ng mga Kabayo kasi – "Uhm, meron ka pa bang ipag-uutos ?" Magalang na tanong ko sa kanya kahit na sumasama na yong loob ko dahil sa sinabi niya. Busy'ng busy pa siyang nagcecellphone at umaasa pa ako na mag-aangat siya ng tingin kapag sasagutin niya yong tanong ko kaya nakaabang talaga ako sa kanya, kaso lang umiling lang siya. Tumitig pa ako ng ilang minutes umaasa na kahit mag-angat man lang siya ng tingin pero wala talaga eh, hanggang sa mukhang nakaramdam na din siya na hindi man lang ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. "You can go for now; I'll call if you I need something you have to do for me." After niyang sabihin yon, inikot na niya yong swivel chair na kinauupuan niya paharap don sa glass wall kung san nakikita yong malawak nilang lupain. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko at saka nakayukong lumabas ng library kung san nag-ooffice ang Señorito. Hindi ko alam pero nawala na din ako sa mode na hindi ko din napansin na naglakad na pala ako papunta sa my kwadra ni Julia at ng iba pang kabayo. "Wala gutom lang." Sagot ko naman sa kanya. Tumango naman siya at saka niya iniba yong topic. "Nag-aaya ang barkada mamayang gabi gala daw tayo sa my fiesta sa bayan! Sabi nila sakin isama na daw kita kapag tapos na tayo dito sa hacienda." "Pwede naman akon sumunod papaalam lang ako kina Tatay –" Pero bago ko pa matuloy yong sasabhiin ko, kinut na niya ako agad. "Gasgas na yang palusot mo! Nawala na nga ako sa bilang kung ilang beses mo na yang sinabi pero ang ending hindi ka naman sumisipot! Wala namang Lena na sumusunod sa mga lakad ng barkada!" "Pero baka kasi mag-alala sila Nanay kung hindi ako magpapalaam." Wala din naman kaming mga cellphone na pwedeng gamitin pang message sa isat'-isa. "Nasabi ko na, nakasalubong ko kanina si Aling Saling pumayag naman!" Nanglaki naman yong mga mata ko. "Seryoso?" Hind makapaniwalag tanong ko pa sa kanya. Magkasunod naman siyang tumango. "Oo nga kasi kaya okay na huwag kana magpanic jan, nagbilin pa nga si Aling Saling na –" At ginaya pa niya yong boses ni Nanay. Sigh. "Mag-iingat kayo at huwag magpapagabi." Sa bagay yan nga yong madalas na linyahan ni Nanay kapag my pupuntahan ako. Nagkwentuhan pa kami saglit ni Clara bago kami nagdecide na bumalik na sa mansion para din makapagpaalam na ako sa Señorito kung pwede na bang makaalis na kung wala na din'g ips-uutos. Nagmessage na din kasi kay Clara yong iba naming barkada na andon na daw sila sa plaza at kami nalang ang inaantay. "Oh, akala ko ba sasama ka? Halika na." Sabi ko kay Clara sa mahinang boses ng buksan ko yong pinto ng library. Magkasunod naman siyang umiling. "Nahihiya ako!" Pabulong na sabi niya sakin. Napakunot naman yong noo ko. Sa pagkaka-alala ko kanila lang excited na exited pa siyang puntahan ang Señorito. Sumayas pa siya sakin na magtuloy na akong pumasok sa loob, magsasabi pa nga sana akong huwag na siyang umarte kaya lang – "Selena." Napahinto naman ako sa akmang pag hakbang ng marinig ko yong pagtawag sakin ng Señorito. Kasabay naman ng medyo pag-awang ng bibig ko is yong paghinto ko din sa paglalakad. Pag-angat ko naman ng tingin agad na nagkasalubong yong tingin namin ng Señorito, pakiramdam ko nga ano mang oras ngayon lalabas na sa rib cage ko yong puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Yong klase pa naman ng tingin ng Señorito parang nababasa niya yong iniisip ko, nakaka-conscious pa. Alam niyo yong feeling na kapag nagsinungaling ka alam din niya agad. Huhu! Mahina pa naman ako sa mga ganun kung sakali, sa bagay bakit nga ba kasi ako magsisinungaling, in the first place? Urgh! Selena tigilan mo na nga yang pagoover think! Sabi ko pa sa sarili ko. "Uh, gu-gusto ko sanang itanong kung my ipag-uutos ka pa Señorito?" Nag-aalangan kung tanong sa kanya. "Are you going home?" Balik tanong din niya sakin. Parang isang buong sixty seconds na muna kaming magkatitigan bago ako magkasunod na tumango. Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya nakagat ko yong pang-ibabang labi ko kasi pakiramdam ko nag-aantay siya ng explanation ko. Muli na naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at saka ko tinuloy yong sinasabi ko. "Uhmm, aalis na sana ako pero hindi pa uuwi. Nag-aya kasi yong iba ko pang kaibigan na magpunta sa bayan..." At saka ako nag-angat ng tingin at tinuloy yong sinasabi ko habang natingin ng diretso sa mga mata niyang parang pati yong kaluluwa ko, nababasa niya kung ano yong nararamdaman. "My fiesta kasi don ngayon maggagala gala sana kami." Mula naman sa pagkakasandal niya don sa swivel chair niya, is nagstraight siya ng pagkakaupo, pinatong na din niya yong dalawa niyang siko sa my table tapos pinag-intertwine niya yong mga fingers niya then pinatong niya sa yong baba niya don sa kamay niyang magkahawka. Pasimple naman akong sunod-sunod na napalunok sa ginawa niya. Mukha kasing Mafia Boss ang Señorito, tulad don sa mga movies na napapanuod ko. Ang astig niya pero agad din naman akong nagising sa pagdeday dream ko sa Señorito ng marinig ko yong sunod niyang sinabi, at talagang hindi ko maiwasang panglakihan siya ng mga mata. "I would like to join you, guys and see the festival." Hindi pa nga ako nakaka-oo tumayo na siya sa kinauupan niya tapos nakita ko nalang siyang nasa tabi ko na nakatayo na din. "What are we waiting for?" Dagdag na tanong pa niya sakin at don lang talaga ako nakabawi sa mga nangyayari ngayon. "Se-seryoso ka talaga Señorito?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa sa kanya. "Uhm, hmm." Sagot naman niya at saka niya ako hinawakan sa my siko ko at hinila palabas ng office niya. Sunod na nangyari is nakita nalang namin ni Clara yong mga sarili namin sa harap ng jeep wrangler ng Señorito, halos hindi pa nga ako makapaniwala na interested pala siya sa fiesta ng bayan kung hindi pa ako nasiko ni Clara pakiramdam ko hindi pa ako matatauhan. "Seryoso ba talaga 'to? Jan tayo sasakay?" At saka pa niya pasimpleng tinuro yong jeep wrangler ng Señorito. Magkasunod naman akong tumango. "What are you Ladies waiting for? Go on board so we could leave." Sabi naman ng Señorito sa matigas na English. "Sige po, Señorito." Sagot naman sa kanya ni Clara at saka inopen yong likurang pinto para don umupo. Susunod na nga din sana ako kaso lang natigilan ako sa pagakyat sana ng jeep ng Señorito ng magsalita siya pero this time my halong iritasyon yong boses niya na hindi ko maintindihan. "What the hell are you doing?! Why are you also gonna sit behind me? What, you want me to look like your driver?! Sit here next to me, Selena." Magkadikit na kilay na sabi pa ng Señorito. OMG! Bakit galit siya?! Hindi ko alam pero natatakot ako sa tono ng boses niya. "Huh? Hi-hindi naman Señorito pero nahihiya akong maupo sa tabi mo." Nagpapanic na sabi ko din sa Señorito, na hindi ko na nasunod yong gusto niyang mangyari. Naupo pa din ako sa likuran kasama ni Clara na tahimik lang din at mukhang takot din sa Señorito. Pagkatapos kung maclose yong pinto kasunod naman yong malakas na pagbuntong hininga ng Señorito. "Li-lipat naku jan sa tabi mo Señorito, hu-huwag ka na magalit." Kinakabahang sabi ko pa sa kanya at saka ko hinawakan yong handle ng pinto pero bago ko pa tuluyang mabuksan - "Huwag na, jan kana maupo." Sabay pa kaming napatingin ni Clara sa isa't-isa ng magtagalog ang Señorito. "Ang hot niya pakinggan pag nagtagalog siya." Pabulong na sabi pa ni Clara, syempe marahan ko naman siyang siniko kasi baka marinig kami ng Señorito, nakakahiya! Pero agree naman akong ang astig niya pakinggan ng Señorito pagnagtagalog. Ang lalim ng boses niya at lalake'ng lalake pa. "Ouch naman!" Pabulong din'g sabi ni Clara sakin. "Sorry po, Señorito." Wala naman na siyang sinabi pero inistart na niya yong jeep niya hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng hacienda. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'to o ito na talaga yong pinaka matagal na byahe namin papunta ng bayan, sa pagkaka-alala ko kasi nasa twenty minutes lang makakarating na kami ng bayan gamit yong farm truck ni Mang John pero bakit ganun ngayong sakay kami ng magarang kotse ng Señorito parang ang tagal ng byahe! "Andon daw sila sa my fountain, sa gitna ng plaza." Pabulong na sabi ni Clara sakin, bigla naman akong napaisip kung meron bang parking lot don para sa Señorito."San kaya magpapark ang Señorito?" Pabulong na sagot ko naman sa kanya. "Ayun nga fiesta pa naman sa bayan kaya mukhang puno na yong parking don, wala akong alam mashado sa kung san pwede pa magpark ang Señorito." Pagtingin ko naman sa harap namin ni Clara, ayun nan ga busy'ng busy sa paghahanap ng parking lot ang Señorito.Nakita ko din mula sa loob ng bintana na punuan nga talaga yong mga parking lot. "Message na ng message si Kia kung nasan na daw tayo." Sabi na naman ni Clara. "Sabihin mo andito na tayo, naghahanap lang ng parking para sa Señorito." Mas nilapit naman ni Clara yong mukha niya sakin at saka siya bumulong - "Nagmamadali na naman kas sila at kanina pa daw nag-aantay." At saka niya medyo tinaas yong phone niya nakita ko naman byong madaming message don hindi lang kay Kia pati na din message galing kina Lara at Xhea. Napabuntong hiniga nalang ako at saka nilakasan ko yong loob ko para makausap ang Señorito."Uhm, Señorito..." Mula naman sa pagkakafocus ng tingin niya sa daan, tinaas niya yong tingin niya sa rear view mirror kaya napatingin din ako don, ayun na naman yong nagkasalubong kami ng tingin. Sunod-sunod muna akong napalunok para pakalmahin yong sarili ko bago ko tinuloy yong sasabihin ko. "Uhm, ayus lang ba kung bababa na si Clara dito hinahanap na kasi siya ng mga kaibigan namin, a-ako nalang ang sasama sayong maghanap ng parking lot.""Alright." Simpleng sagot naman niya sakin at saka niya pinark sa my gilid yong jeep niya. Una, naman akong bumaba since ako yong malapit dito sa my pinto at saka sumunod si Clara bago naman sia tuluyang umalis nagpaalam na muna siya sa Señorito. "Uhm, salamat po Señorito mauna na muna ako, sunod nalang kayo ni Lena mamaya." Tumango naman ang Señorito pero wala kaming nakuhang kahit na isang salita mula sa kanya, tuloy ay naiilang na ngumiti nalang sakin si Clara."Sige, kita nalang mamaya." Pahabol ko pa ng tuluyan na siyang maglakad palayo sa jeep ng Señorito. Nakakaloka lang ang sungit pala ng Señorito. Akmang papasok na sana ako ulit don sa my backseat ng marinig ko yong matigas at baritong boses ng Señorito."Sit here, next to me." Agad naman akong napalingon sa kanya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Urgh! Bakit pakiramdam ko maling desisyon na pinauna ko si Clara? Huhu! Hindi ko alam pero feeling ko maling desisyon na naiwan akong mag-isa kasama ang Señorito."Uhm, sige po Señorito." Sabi ko nalang at baka mainis pa 'to sakin kapag nagrason na naman akong dito ako sa my likuran uupo. Dahan-dahan ko namang binuksan yong pinto ng front seat hanggang sa my magkasunod na bumusina mula sa likuran namin na kinagulat ko pa."Hala!""Selena, hurry up! You know it's not allowed to park here."Tulad ng gusto ng Señorito nagmadali nga akong pumasok at saka niya pinaandar ulit yong jeep niya. Napansin ko din naman agad na mukhang hindi niya alam kung san kami pupunta, sa bagay hindi naman siya pamilyar sa bayan."Uhm, Señorito don sa my kaliwa merong bakanteng lote don na pwedeng pagpakinggan, wala mashadong my alam nun kaya for sure my space pa don para makapagpark ka." Tuloy-tuloy kung sabi sa kanya habang nakatingin sa mukha niya. Ang kinis ng kutis ng Señorito, halatang alagang-alaga. Chinitong-chinito yong mga mata niya, pero parang wala naman silang lahing Chinese kasi wala naman akong naririnig na chismis kina Clara. Alam niyo naman yong babae'ng yon laging updated sa news. Mukha din'g never pang nadapuan ng pimples ang Señorito, hindi tulad ko na laging my present na pimples sa mukha. Huhu! Feeling ko nga puro babae 'tong mga nagiging pimples ko kasi lagi silang my bagong recruit kapag titingin ako sa salamin. Sigh. Isa pa din 'to kaya nahihiya akong humarap sa Señorito kasi feeling ko ang chaka-chaka ko. Bakit kasi ako pa yong napili ng Señyora na maging personal maid ng Señorito? Kaso hindi naman ako pwedeng magreklamo at baka mawala pa ako ng trabaho. Ang puti-puti din ng Señorito, mapapasana all ka nalang sa kutis artista ng Señorito."I'll melt if you won't stop starring at me, Selena." Magkasunod naman akong napakurap-kurap at don ko lang din napansin na ang lapit na ng mukha namin ng Señorito sa isa't-isa. Agad na nanglaki yong mga mata ko, mashado ba akong nalunod sa pagpuri kung gano kagandang lalake ang Señorito na hindi ko na talaga napansin na najapag park na pala siya ng kotse at nailapit pa niya yong mukha niya sa mukha ko. Kaunting maling galaw ko lang, pwedeng magdikit yong mga lips namin! "Ahh -" Magdedeny pa sana akong hindi ko naman siya tinititigan kaso lang nahuli na niya ako at isa pa wala din gustong lumabas na kahit anong salita sa bibig ko. Ni-hindi nga din ako makagalaw sa kinauupuan ko, as in magkalapit pa din yong mga mukha namin.Tapos bigla na namang nagflashback sa isip ko yong nangyari don sa my falls! Yong nakita niya akong - sunod-sunod pa akong napalunok at saka paulit ulit na nagpicture sa isip ko kung image ko na walang damit pang itaas at nakaharap sa Señorito. Kasabay nun is naramdaman ko yong pag-init ng buong mukha ko sa mga naisip ko ngayon habang kaharap siya. Hanggang sa napabutong hininga ang Señorito at my sinabi niya na hindi ko naintindihan kasi ang hina lang ng boses niya. "Hahalikan na talaga kita, kapag hindi na ako nakapagpigil." At saka siya naunang lumabas ng jeep. "Selena what are you still doing there?! Let's go!" Sabi pa niya sakin mula sa labas. "O-oo, anjan na Señorito." At saka ako nagmadaling lumabas ng sasakyan. "Lena, dito!" Napalingon naman ako sa my likuran ko ng marinig ko yong boses ni Kia. Nakita ko siyang kumakaway samin ng Señorito. Ngumiti naman ako sa kanila at saka ko tinaas yong isa ko din'g kamay para kawayin sila. "Uhm, dito tayo Señorito." Sabi ko at hindi ko namalayan na nahila ko na pala siya sa isa niyang kamay at saka kami naglakad palapit kina Kia. Nagtaka pa nga ako nung una kasi bakit parang ang weird makatingin ng mga girls sakin, habang papalapit kami ng papalit ng Señorito sa kanila. Andon din si Marco na seryosong nakatingin samin ng Señorito. Huhu! Mali naman siguro 'tong iniisip ko na ayaw nilang makasama ang Señorito? Pero pano kung tama? Nakakahiya naman kung papaalisin ko ang Señorito kasi ayaw nila sa kanya? Pero nakakahiya at kawawa naman ang Señorito kung sakali, bago lang siya dito at walang kakilala. Pano kung mawala siya? Kasalanan ko pa at baka sisihin pa ako ng Señyora kung sakaling my mangyaring masama sa Señorito. Huhu! Huwag naman sana! Toinks! Hinawak ko naman yong libre kung kamay sa my gilid ng noo ko ng bigla kung maramdaman na sumakit. Parang my pumitik, eh! Pagtingin ko sa harap ko andito si Marco at nakatingin sakin ng seryoso at the same time wala akong ibang makitang kahit na anong emotion sa mukha niya. "M-Marco!" Gulat ko pang tawag sa kanya at madalas eh, magrereact na yan at babatiin ako pero nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko hanggang sa mag-iwas siya ng tingin at saka siya tumingin sa my gilid ko, sa my bandang bewang. As in nakatitig lang siya don, napakunot naman yong noo ko at napatingin nalang din don. Don ko lang din narealized na magkahawak pa din pala kami ng kamay ng Señorito, hindi lang yon bastang magkahawak. Yong temang holding hands while walking yon peg ng mga kamay namin. Agad na nanglaki yong mga mata ko at nag-init yong buong mukha ko sa sobrang hiya! Agad kung nahila yong kamay ko mula sa pagkakahawak sa kamay ng Señorito at saka medyo lumayo sa kanya, dahil sa sobrang pagkakapahiya! "So-sorry Señorito!" Ngayon lang nagets ko na kung bakit ganun makatingin 'tong barkada ko samin ng Señorito. "E-excited lang akong makita kayo kaya..." At saka ako nagbaling ng tinga sa Señorito at tinuloy yong sasabihin ko. "Hindi ko napansin na nahawakan ko na pala kamay mo Señorito, sorry po." Nakapout na sabi ko sa kanya at ganun nalang yong panglalake ng mga mata ko ng ilabas ng Señorito yong isa niyang kamay mula sa bulsa niya at saka niya pinat yong ulo ko. Napaawang naman yong pang-ibabang labi ko at pakiramdam ko mas lalo pang nag-init yong buong mukha ko sa ginawa ng Señorito, habang nakatigin siya ng diretso sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD