Nagulat siya ng tila may malakas na kinalampag ang kung sino sa may bandang itaas ng tribu na iyon. Kaya naman napatingala siya at nakita niya ang tila ginawang tore doon, napakataas iyon na yari sa mga kahoy at may isang lalaki sa tuktok non na may tila pinapalo doon. Hindi niya alam kung ano iyon pero mukhang hudyat na iyon na mag-uumpisa na ang seremonya ng kasal. Lalo pa at narinig niya si Apong Alu na nagsalitang oras na daw dahil lumabas na nga lahat ng sinag ng buwan at kitang-kita na ang kabuuan ng paligid. Kaya naman lalong nagliwanag ang buong paligid kahit na gabi na. Siya naman ay nakatanga na lamang, iniisip niya kung tama ba ang kanyang naging desisyon lalo pa ngayon at napagmamasdanan na niya ang sinasabing prinsesa ng tribu. Kapag tinitigan niya ito may itsura naman