Kanina pa panay kamot si Charles sa kanyang katawan, nangangati kasi siya sa pinasuot sa kanyang damit. Isa iyong tela na kulay puti at para iyong kulambo, para bang hinabi iyon ng mga katutubo gamit ang manipis na dahon ng kung anong halaman. Pero nakakamangha dahil ang mga ganitong uri ng damit na nakikita niya sa mga mall hindi man kaparehas ng design pero masasabi niya na parang mas maganda pa ang pagkakahabi ng suot-suot niyang damit. Iyon nga lang hindi niya alam kung bakit ang kati-kati talaga niyon. Hindi lang siguro siya sanay na magsuot ng ganoon para kasing barong tagalog ang pagka-disenyo, pero mas manipis doon at para talagang kulambo sa nipis ang tela. Ayaw nga sana niyang isuot iyon dahil parang pagkakita pa lamang niya sa damit ay siguradong mangangati na siya. Pero