"Ang ganda mo talaga Ellerie! Manang mana ka sa yumaong Inang Reyna." Bulalas ng kanyang Tiyang Manuri, kapatid ng kanyang ina. Malapit na kasi ang takdang oras kaya pinasuot na siya ng damit pangkasal, ang damit pangkasal ay yari sa isang abaka na ang kanilang mga maghahabi lamang ang may kakayahang gumawa. Isa iyong puting tela na gawa sa bawat hibla ng abaka na hinahabi ng kanilang mga ka-tribu. Isa na sa pinakamagaling na taga-habi ay si tiyang manuri. Balot na balot ang kanyang katawan sa kanyang kasuotan ngunit meron lamang itong inilagay sa kanyang bewang na hinabi lang din. Ginawa ng kanyang tiyang para humapit ang damit sa kanyang baywang kaya naman kitang-kita ang maliit niyang bewang doon. Matapos na isuot niya ang damit pangkasal ay nilagyan naman siya ng koronang yari