“Maaari ba naming malaman kung ilang taon ka na Ginoo?” Mahinahon ang boses na tanong ng mahal na reyna na noon ay nakaupo sa isang upuan na tila yari sa isang malaking ugat. Katabi nito ang lalaking nagpapakilalang hari pero tahimik lamang ito, ngunit kakaiba ang titig sa kanya. Tila hindi niya nagugustuhan Ang paraan ng titig nito sa kanya pero marahil nag-aalala lamang ito sa anak. Kaharap kasi niya sa kubo na iyon ang reyna at ang hari pati na si Apong Alu, maging ang mga matatandang katutubo na sa tingin niya ay may katungkulan din sa tribu. Kanina pa siya, tinatanong ng mga ito animo ginigisa talaga siya, lahat ng maaaring itanong ay tinatanong sa kanya para bang iniimbestigahan kung ano ang kalagayan niya sa kapatagan at kung ano ang ugaling meron siya at maging sa kanyang pam