Kabanata 9

1105 Words
Naiiling habang nakatingin si Charles sa mga katutubong nagkakagulo na sa mga pagkaing kanyang dala-dala. Binalik nga sa kanya ang kanyang bag pero wala nang laman iyon. Si Masong naman na sisiga-siga pero heto at nasa tabi niya habang hawak hawak ang kanyang cellphone at panay ang video nito at picture doon. Tinuruan kasi niya ito, dahil ito na ang humawak ng phone niya simula pa kanina. Manghang-mangha ito sa kanyang cellphone at hindi na nito iyon tinigilan simula ng hiramin nito sa kanya. Napapailing na lamang siya dahil ang ignoranteng lalaki ay parang timang na pinuno ng selfie ang kanyang cellphone, pati na ang mga picture ng mga katutubo talagang napakarami. Mabuti na lamang at full charge pa iyon dahil may dala-dala naman siyang power bank. Pati nga ang kanyang yosi ay pinakialaman din ng tatlong malalaki ang katawan na katutubo. Iyong nag-iihaw ng baboy ramo at si Bosong na napakasiga rin at muntik pa nga siya nitong gilitan ng leeg dahil lamang sa snow bear na napagkamalan nito na lason. Sarap na sarap ang mga ito sa sigarilyo niyang dala-dala, tinuro din niya sa mga ito kung paano iyon gamitin. Pero nasisiyahan naman siya sa mga batang tuwang-tuwa sa mga pagkaing dala-dala niya, ng isa ay mangiyak-ngiyak pa habang nagpapasalamat sa kanya dahil sobrang sarap daw ng kinakain nito. Lollipop kasi iyon, matanda na siya pero hilig din kasi niyang kumain ng lollipop habang naglalakbay, pampagising niya kasi iyon at ayon nga ang pinamigay niya sa mga bata at nagustuhan naman ng mga batang katutubo iyon. Palingon lingon siya sa kapaligiran hinahanap niya ang sinasabing prinsesa na kanyang makakatuluyan pero wala hindi talaga niya makita ang babae. Mukhang dahil na naman sa pamahiin, baka bawal niyang makita ang kanyang bride kaya kahit ilang minuto na siyang nandoon sa lugar na iyon ay hindi pa rin niya makita ang babae. Sinabi naman ni Masong na hintayin na lamang nila ang hudyat ni Apong Alu para makausap siya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala pero wala naman siyang magagawa para tumanggi. Hindi siya maaaring tumanggi dahil tiyak na buhay niya ang magiging kapalit. At kahit na gano'n iniisip pa rin niya ang kalagayan ng babae. Hindi rin siya matatahimik kapag nagpumilit siya ng umalis at makatakas sa lugar na iyon dahil natitiyak niya na may isang inosenteng buhay na mawawala ng dahil lamang sa pagtakas niya. SAMANTALA Nakasilip sa siwang ng isang kubo si Ellerie, kasama nito ang kaibigang si Adiya. Sinisilip nila ang dayuhan na kanyang magiging asawa. "Kaygandang lalaki naman ng iyong magiging kabiyak Ellerie, kaya dapat huwag ka ng malungkot diyan ay kung sa akin nangyari 'yan hindi talaga ako malulungkot. Akalain mo ba naman na magkakaroon ako ng isang asawang katulad niya, napakaputi at talagang napakagwapo. Mamula-mula pa ang mukha hindi katulad ng kulay nating lahat dito. Pati na ang kulay ng mga kalalakihan ng ating tribu. Kaya kung ako sayo huwag ka ng malungkot para mamaya, maganda ka sa iyong kasal. Ay sabagay ikaw naman ang pinaka-maganda dito sa ating tribu." mahabang wika sa kanya ng kaibigang si Adiya. Batid nito ang lungkot niya, sanhi ng pagpapakasal niya sa lalaking dayo. "Ngunit Adiya, hindi ko hinangad na magkaroon ako ng magandang lalaki at makisig na asawa, lalong lalo na kung ito ay isang dayuhan. Alam mo naman iyan na ang mas mahalaga lamang sa akin ay ang ating trib. At ang ating mga nasasakupan. Ngunit mukhang hanggang ngayong araw na lamang ang aking pananatili dito sa ating tribu, at bukas ay hindi na tayo magkikita pang muli. Maging ang aking sariling pamilya ay hindi ko rin makikita kaya hindi ako natutuwa sa kasalang magaganap. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa mahal na Bathala dahil hindi niya hinayaan na kitlin ng aking mga magulang ang aking buhay." Malungkot na pahayag niya. "Wala naman tayong magagawa diyan dahil yan ang iyong kapalaran. Mas nais ko na ang ikasal ka sa lalaking iyan kaysa naman makita ka namin ni Masong na isang malamig na bangkay." wika pa nito habang nakasilip pa rin sa labas. Nagkakagulo kasi ang kanilang mga katutubo, ewan niya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga iyon nanggaling sa dala-dalang tila lagayan ng lalaki kanina na nakalagay sa likod nito. Maging si Masong, may hawak-hawak na hindi niya maintindihan pero libang na libang ito habang hawak-hawak iyon at panay ang tutok ng bagay na hawak nito sa sarili. Tapos sa kung sinong matapatan ng bagay na iyon. Maging damo, bulaklak at ang mga pagkain ay tinatapatan nito. "Sabagay tama ka naman Adiya, basta mangako ka sa akin na alagaan mo ang aking ina at ama ha. Pati na ang aking mga kapatid, ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang aking pamilya. Alam ko naman na hindi ninyo pababayaan ni Masong ang aking pamilya lalo na ang aking ina at ama." Malungkot na pahayag niya. Napabuntunghininga si Adiya tsaka nilapitan siya sabay yakap nito sa kanya. "Makakaasa ka Ellerie dahil bilang matalik mong kaibigan. Iyan naman ang aming tungkulin bilang iyong kaibigan hindi ba? Kaya huwag mo na silang alalahanin pa at alam mo hindi ako nawawalan ng pag-asa na muli tayong magkikita kita pagdating ng panahon. Manalig lang tayo sa mahal na Bathala. Basta kapag nandoon ka na, iingatan mo ang iyong sarili ha. Alam kong matapang ka, ikaw kaya ang pinakamagaling na mangangasong babae dito sa ating tribu. Kaya alam ko na kahit saan ka manirahan ay magiging matatag ka." Wika pa ng kanyang kaibigan. Pilit nitong pinapasigla ang boses, pero batid naman niya na malungkot ito. Ito ang kanyang kababata, sabay silang ipinanganak at kahit ng araw ng kapanganakan niya ay gano'n din ito. Alam din niya na hindi nito pababayaan ang kanyang pamilya. Kaya kahit papaano ay nababawasan ang kanyang pag-aalala. "Tama, manalig tayo na sa huli may pagkakataon pa rin tayong magkita. Kaya mag-iingat ako doon, gaya ng bilin ng aking Ina. Kailangan kong mabuhay doon." Tugon din niya dito, tsaka mahigpit na hinawakan ang kamay nitong nakayakap sa kanya. Napansin nila na dumating na si Apong Alu, mukhang kakausapin na nito ang dayo. "Oras na Ellerie, tayo na at ng maihanda na natin ang iyong susuotin na damit. Dapat matuwa ang iyong magiging asawa. Pero syempre, alam kong ikagagalak niyang maging asawa ang isang katulad mong prinsesa." Nakangiti pang wika nito. "Ikaw talaga, palagi mo na lamang akong pinupuri. Sige ka, baka hanap-hanapin ko iyan sa kapatagan." Nakangiting sagot niya dito. "Okey lang, dahil sigurado akong palagi ka ng may taga puri at iyon ay ang iyong asawa." Wika pa nito tsaka siya nito hinila na palabas ng kubo. Napasunod na lamang siya habang naiiling. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD