Kabanata 8

1266 Words
Kabanata 8 "T-Teka! B-Bitiwan mo ako! Arrgghhh....h-hindi ko kayo nilalason!" Hirap na hirap na wika niya habang nagpupumiglas sa mahigpit na pagsakal ni Bosong sa leeg niya mula sa likuran tapos nakaumang pa ang matalas nitong itak doon. "Paanong hindi tingnan mo nga ang porma ng pagkain na iyan, paano iyan tumigas ng ganyan kung halimbawang prutas yan bakit napakatigas at ganyan ang itsura at kakaiba ang amoy! Mabango at kaakit-akit ang itsura dahil sa kaputian pero batid ko na may binabalak kang masama sa amin para makatakas ka!" Galit na wika ni Bosong. "Baka hindi siya ang dayong nararapat sa mahal na Prinsesa! Baka siya ang padala ng mga kalaban para lipulin tayong lahat!" Galit na sigaw naman ng isa. Tsaka kinuha nito ang itak na nakapatong sa isang bato at tila galit na galit na lumapit sa kanya. Nagkaingay naman ang lahat. Tila takot na takot ang mga itong nakatingin sa kanya hindi tuloy niya malaman kung matatawa o magagalit ng husto dahil nagmagandang loob na nga siya ay iba pa ang nasa isip ng mga ito. "Masong hindi ako masamang tao, tulungan mo ako bitawan ninyo nga kasi ako para makapagpaliwanag ako ng maayos sa inyo. H-Hindi iyan lason, iyan ay masarap na pagkain na nanggaling sa kapatagan. Bakit ba ninyo iniisip na lason iyan, syempre ngayon nyo lamang iyan nakita dahil walang ganyan dito!" Pilit na pinapahinahon niya ang kanyang boses. Humingi na siya ng tulong kay Masong dahil mukhang hindi na maganda ang iniisip ng mga kalalakihang nandoroon habang nakatingin sa kanya. "Masong huwag kang magpaloko sa isang to, mukhang may masama talagang balak ang lalaking ito sa ating tribu kaya pala ayaw na ayaw niyang maikasal sa ating mahal na prinsesa dahil ganyan ang kanyang iniisip may mga dala-dala pa siyang mga sandata. At sigurado ako na maraming nakalagay diyan sa bag niya, na ikakapahamak natin. Kaya pala sarap ng higa niya sa may batuhan sa may sapa dahil talagang sinadya niya na magpahuli sa atin para makapaghasik siya dito sa atin na kasamaan. Pero sa tingin mo lalaki maiisahan mo kami?!" Galit pang wika muli ni Bosong. Napapailing na lamang siya ng kanyang ulo dahil parang gusto na niyang maubusan ng pasensya sa walang hiyang ito gumagawa ng kwento kahit hindi naman dapat. "Masong! Hindi ako masamang tao! Please tulungan mo kasi akong makawala dito para naman makapagpaliwanag ako!" Sigaw na rin niya sa lalaki. Kung minamalas ka nga naman, nagmagandang loob na nga siya sa mga ito mukhang iyon pa ang magiging dahilan para mapahamak siya. Maya-maya ay lumapit sa kanya ang dalawang kalalakihan at pilit na kinuha ang bag niya sa kanyang likuran. Bwisit na talaga siya ng husto dahil walang kaingat ingat na itinaktak ng mga walang hiya ang laman ng kanyang bag. Nagkalat ang mga paborito niyang pagkain na kanyang dala-dala. Katulad na lamang ng mga titsirya na sinadya niyang dalhin para may makain siya habang nagpapahinga. Kapag napapagod na siya eh namamahinga talaga siya at kumakain ng titserya kaya nga medyo malaking bag ang kanyang dala-dala. Pati kanyang mga damit ay naglaglagan, at nadumihan ng kagagawan ng mga ito. Tapos ang nakakabadtrip pa pati ang cellphone niya na nananahimik ay talagang nalaglag, mabuti na lamang at nakita niyang hinawakan iyon ng isang babae at wala naman iyong basag. Nandoon pa naman lahat ng mga pictures niya at video kanina sa mga dinadaanan niya tapos baka masira lamang ng dahil sa kagagawa ng mga mangmang na ito sa kanyang harapan. "Ingatan ninyo ang isang iyan hindi iyan bagay na masasaktan kayo, ang tawag diyan ay cellphone diyan ko inilalagay ang lahat ng mga alaala ko sa lahat ng napupuntahan kong lugar kaya ingatan niyo naman!" inis na wika niya paano ba naman ang babaeng pumulot niyon ay kinagat-kagat pa talaga at tinitignan siguro kung matibay iyon. "Walang kagamitan na makakasakit diyan sa inyo tanging itak lamang ang dala-dala ko kanina para sa mga damong madadaanan ko. Para magkaroon ako ng malinis na dadaanan at panangga na lamang kung may mga ligaw na hayop na umatake sa akin pero hindi ako nananakit ng tao!" tila nauubusan na ng pasensyang wika niya sa mga ito. Ngunit hindi pa rin nakikinig ang mga ito sa kanya, si Masong naman ay masamang tumingin lamang sa kanya at tinitingnan din ang mga kagamitan niyang nagkalat sa lupa. Ngunit halos magsigawan ang mga ito at ang ilan ay napatalon pa at napatakbo pa sa sobrang takot dahil biglang bumukas ang kanyang cellphone. Wala kasi iyong password kaya kusang bumukas iyo ng mapindot ang switch on ng babaeng may hawak-hawak dito at mag-play ang videong ni-record niya kanina habang nasa may sapa siya. Nag-video kasi siya doon sa magandang falls habang kasama siya sa video at nagsasalita pinapakita niya kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Takot na takot ang mga katutubo at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya at titingin din sa kanyang cellphone habang nagpi-play ito at nagsasalita siya doon. Maging si Bosong na mahigpit na nakasakal sa kanyang leeg ay napabitaw ng wala sa oras at napatakbo sa may gilid sa takot ng makita ang video niya sa kanyang cellphone. "Anong klaseng nilalang ka! Bakit nasa loob ka ng aparatong iyan!" gulat na gulat na tanong ni Masong sa kanya pero ito lamang ang tanging katutubo na hindi lumayo pinakatitigan nito ang kanyang cellphone. Doon niya dinampot ang kanyang cellphone at ipinakita sa mga ito iyon. "O sige, tingnan ninyo ha." naiiling na wika niya sa mga ito. Tsaka ang ginawa niya ay binuksan niya ang kanyang cellphone inilagay niya sa kanyang video para ipakita sa mga ito na hindi nakakatakot ang bagay na iyon. Na mukhang iniisip pa ng mga ito na hindi siya normal na tao dahil nandoon siya sa loob noon. Parang gusto na nga niyang matawa at mapahalakhak talaga ng husto dahil sa kamangmangan ng mga katutubong nasa kanyang harapan. Pero nag-iingat din siya dahil baka magalit na naman ang mga ito at manganib na naman ang kanyang buhay. Iyon nga lang ng dahil sa snow bear ay muntik na siyang mapatay ni Masong. Kaya ang ginawa niya ay pinulot niya ang isang nalaglag na snow bear, binalatan niya iyon at pinakita mo na sa mga ito ng mabalatan. Tsaka niya isinubo sa kanyang bibig para patunayan sa mga ito na hindi iyon nakakalason na hindi sila mapapahamak kapag kinain iyon. Napa "ohh" pa ang mga ito ng kainin niya ang candy tsaka ang ginawa naman niya, binuksan niya ang video itinapat niya sa kanyang mukha. Itinapat niya sa mukha ni Masong na noon ay gulat na gulat at tila manghang mangha pagkakita sa sarili nito na nasa video. Tsaka ang ginawa niya kinuhanan din niya ng video ang mga katutubong nagsitakbuhan papalayo sa kanya. Manghang-mangha din ang mga ito, ng ipakita niya sa lahat ang kuha niyang video. "Ang tawag diyan ay video, nakukuha ng bagay na ito ang lahat ng nagaganap sa paligid at makumuha din nito ang mga mukha natin, diba at kahit salita ay nakukuha din niya. Kaya wala kayong dapat na ikatakot, maging ang candy na ito. Sabi ko sa inyo pagkain ito eh, hindi ito nakakalason gaya ng sinasabi nitong si Bosong." paliwanag niya sa mga ito. Napatingin naman ang lahat kay Bosong na noon ay kakamot-kamot sa ulo. Tila nahihiya itong tumingin sa kanya. "Pasensya, nag-iingat lang naman ako eh." nahihiyang wika nito. Napailing na lamang siya, pero ang mga katutubo ay kanya-kanya ng pulot ng snow bear at kinain na ang mga iyon. Natawa na lamang siya sa mga naging reaksyon ng mga ito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD