Nasa may pinakasulok ng tribu ang pinagdalhan sa kanya ni Masong, kaya naman naglakad pa sila nito patungo sa pinakang sentro ng tribu.
Ang bahay kasi ng mga katutubo ay yari sa palapa ng niyog at anahaw, may mga kahoy din iyon na ginawang haligi at sahig. Tapos nakapa bilog iyon, tila sinadya na pabilugan ang malawak na espasyo sa gitna ng mga kabahayan.
Doon ang sinasabing salo-salo ng bata merong mahabang lamesa n yari sa kahoy at nilagyan ng mga dahon ng saging ang kahabaan ng lamesa. At doon naman inilagay ang mga pagkain, iba't ibang klase ng pagkain ang nasa kanyang harapan kaya gulat na gulat siya dahil hindi niya akalaing sagana sa pagkain sa lugar na iyon.
Meron pang tila baboy ramo na iniihaw ang mga ito pero hindi pa nakalagay, nasa lutuan pa rin iyon na ginawa ng mga katutubo at iniikot-ikot doon na ng dalawang lalaki, inihaw ang tawag ng mga ito pero iyon ang tinatawag naman sa kapatagan na lechon, napakabango ng amoy talaga namang katakam-takam.
Iba't ibang pagkain din ang nasa lamesa, napakahaba niyon pero punong-puno ng pagkain. Ibig sabihin isang piging talaga ang inihanda ng mga katutubo para sa kanya, tila isang kasiyahan ang pag salubong sa kanya pero magiging masaya sana siya kung talagang sinasalubong lamang siya ng mga ito.
Ngunit hindi eh, dahil may kapalit ang lahat ng iyon at iyon ay ang pakasalan ang prinsesa ng tribu.
Napansin niya na may mga manok na nakahain, siguro mga ligaw na manok iyon wala naman kasi siyang nakikitang alaga sa paligid. Pero hindi lang niya alam kung merong mga kulungan ang mga ito ng mga alaga.
Marami ring prutas, iba't ibang klase ng prutas na ang iba ay ngayon lamang niya nakita. May mga iba't ibang klase din ng bulaklak na nasa mesa na sa tingin niya ay kinakain ng mga katutubo dahil may isang batang kumakain ng bulaklak doon.
Kahit na payak ang pamumuhay ng mga katutubo kapag may okasyon pala ay talagang isang tunay na pilipino din ang mga ito, dahil kahit na payak at taghirap ang pagkain. Heto at nagiging masagana sa araw ng pagtitipon o kaya ay kapag may okasyon.
Pinaghahandaan talaga ng mga ito, ang nakakagulat lang parang napakabilis makaluto ng mga ito halos ilang oras lamang siyang nakakulong sa loob ng silid na iyon na pinagdalahan sa kanya ni Masong.
Siguro ang lahat ay nagtulong-tulong.
“Nandito na ang dayuhan!” Sigaw ng isang babae.
Biglang nagsi-tigil ang mga taong nandoroon at yumukod sa harap niya.
Automatiko namang napakunot ang kanyang noo.
“Bakit pa kailangan nila pang yumukod kapag nandito ako, maaari bang sabihan mo sila na huwag ng yumukod dahil hindi naman ako diyos. Hindi naman ako banal para sambahin nila.” naiiritang wika niya kay Masong dahil para kasi sa kanya iisa lamang ang dapat na yukuran at iyon ay ang Diyos na nasa langit.
“Hindi mo sila mapagsasabihan ng ganyan hindi mo sila mapagbabawalan dahil ang tingin nila sa iyo ay isang banal, banal dahil ikaw ang tagapagligtas ng kanilang prinsesa. At isa pa ang tingin nila sa iyo ngayon ay prinsipe lalo pa at batid nila na nakatakda kang ikasal sa aming prinsesa sa kabilugan ng buwan.” sagot naman sa kanya ni Masong na lalong ikinakunot ng noon niya.
“Sa kabilugan ng buwan, kailan naman ang kabilugan ng buwan na sinasabi mo?” tanong muli niya sa lalaki na halos mag-isang guhit na ang gatlang sa kanyang noo.
“Mamayang gabi, ang kabilugan ng buwan at ang pag-iisang dibdib ninyo ni Ellerie.” tiim ang anyong tugon sa kanya ni Masong, na lalo niyang ikinagimbal.
Nananaginip ba siya o ano, mukhang matatapos na yata ang era niya ng pagiging single. Pero ang hindi lamang niya matanggap ay ikakasal siya sa babaeng ni hindi pa nga niya nakikilala at sapilitan pa.
Sino bang matutuwang lalaki sa ganon na para bang tinapak-tapakan ang kanyang pagkatao at ang kanyang p*********i na hindi maaaring mag-decide sa nais niya.
Dahil heto nga at ilang oras na lamang pala ay ikakasal na siya sa babaeng hindi pa nga niya nakikilala.
“Tang*na naman oh bakit naman ganon? Gano'n na lang ba kabilis iyon? Na hindi ko man lamang nakikita ang babaeng sinasabi mo, bigla-bigla nakapagdesisyon na sila na ikakasal na kami mamayang gabi? At ano hindi man lamang ako makapag-decide para sa sarili ko? Kung gusto ko bang magpakasal o hindi. Pusang gala naman oh nakakaloko kayo eh, pati prinsesa ninyo parang walang sariling desisyon! Kabobohan lang ang susunod sa nais ninyo!” hindi na niya napigilan na palatak.
Napalingon sa kanya ang mga tao dahil napalakas ang kanyang boses.
Nahintakutan tuloy siya ng mapatingin siya sa isang lalaking may hawak na malaking itak na tila pang hiwa sa karne ng baboy na iniihaw ng mga ito.
“Masong mukhang hindi yata nais ng ating panauhin na pakasalan ng ating mahal na prinsesa, sabihin mo lang kung kailangan ko pang patalasin ang aking gulok, baka maubusan ako ng pasensya kapag narinig ko pa na binabastos niya ang ating mahal na prinsesa. Makatikim na yata ako ng karne ng isang tagapatag. Tamang-tama ang aking gulok diyan at isa pa mukhang masarap napakaputi ng kanyang balat makinis, mamula-mula. Ano kaya ang lasa ng isang iyan.” wika ng isang lalaking may kalakihan din ng pangangatawan.Nakangisi pa ang kumag.
Ngunit parang mas may edad kay Masong habang hinahasa nito ang itak na hawak-hawak nitong tinawag na gulok at parang nais pa yata nito na siya ang gawing hapunan.
“Huwag kang mag-alala Boryong, sasabihin ko sa iyo kung ito ay hindi pa rin titigil. Sa tingin ko nga ay masarap ang karne ng isang to, baka mas malinamnam pa sa karne ng baboy damong iniihaw mo. Pero naguguluhan pa naman siya kaya pagbigyan na lamang natin ngayon at isa pa magiging sa inyo rin naman ito kung magkamali-mali ng sagot sa ating mahal na Reyna at mahal na Hari.” nakangising wika ni Masong sa lalaki na tinawag nitong Boryong.
Napangisi ang lalaki at sinigundahan naman ng tatlo pang lalaki na nag-iihaw ng baboy ramo. Pawang mga nakahubad ang mga ito at tanging bahag lamang ang suot-suot.
Pero matatakot ka sa mga katawan dahil para bang mga wrestler ang mga ito halatang banat na banat sa pakikipagpambuno sa mga ligaw na hayop sa kabundukan.
“Iyan ang gusto ko sayo Masong, basta amin ang isang iyan kapag hindi maaaring maging asawa ng mahal na prinsesa ha. Huwag mo nang ipalapa sa buwaya iyan, dahil yung mga ganyang balat na mapuputi at talagang mamula-mula at makinis ay tila ba mas malinamnam kesa dito sa aming iniihaw. Hindi na ako makapaghintay na matikman iyan.” wika naman ng isa pang tila may ipinapahid sa katawan ng iniihaw nitong baboy ramo.
Tila takam na takam ang lalaki habang nakatingin sa kanya kaya naman nanindig ang kanyang mga balahibo at napatingin siya sa iniihaw na baboy at na-imagine niya na siya ang iniihaw ng mga kalalakihan doon.
Halos manginig tuloy ang kanyang mga laman dahil hindi nalalayo na mangyari ang bagay na iyon dahil sa nakikita niya sa mga kalalakihan na iyon.
Mukhang walang kaluluwa ang mga ito at tila ba ang tingin talaga sa kanya ay pagkain pero yumukod naman ang mga ito sa kanya kanina. Ayon nga lang hindi siguro nagustuhan ng mga ito ang kanyang pananalita kaya nagalit.
“Mga manong pasensya na po sa mga nasabi ko, talagang hindi lang po kasi ako sanay at talagang nagugulat ako sa mga natutuklasan kong misyon ko pala dito sa inyong tribu. Kaya kung nais ninyo po na magawa ko ang misyon ko, huwag ninyong isipin na pagkain ako. Paano na lamang po ang inyong mahal na prinsesa hindi ba? Papaano kung mapatay ninyo ako o gawin niyo akong pagkain. Eh di papatayin din ng inyong tribu ang prinsesa ninyo, hindi ba? Kaya huwag ho kayong ganyan mag-isip sa akin, tinatakot ninyo naman ho ako eh.” kakamot- kamot sa ulong wika niya sa mga ito.
Sa isipan niya ay kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito para hindi siya mapahamak. Kaya naman ang ginawa niya ay kinuha niya ang kanyang bag sa likuran at kumuha doon ng ilang candies.
Kinuha niya doon ang favorite niyang snow bear, yun kasi ang pampagising niya habang naglalakad. Kinuha niya ang isang balot doon at balak niyang ipamigay sa mga taong nandoroon.
“Oh ito Masong. tikman mo masarap ito mare-relax ka nito kapag isinubo mo, hindi yung palagi ka na lamang galit pampa-relax iyan.” Wika niya kay Masong sabay abot ng isang candy dito.
Kunot noo naman itong napatingin doon at tila nagdadalawang isip pa kung kukuhain iyon o hindi. Pero inilagay na niya iyon sa kamay nito. Tiningnan naman nito iyon ng husto at sinipat kung ano iyon.
Natatawa nga siya dahil parang hindi nito alam kung ano ang bagay na ibinigay niya dito eh candy lang naman iyon.
Ang ginawa niya ay lumapit siya sa tatlong kalalakihan na nag-iihaw ng baboy damo, at binigyan niya ng candies ang mga iyon ayaw tanggapin noong una, pero tinanggap pa rin naman sa pamimilit niya.
“Tikman ho ninyo, mas masarap iyan sa lamanloob ko at sa laman ko kaya huwag ninyo na akong gawing pagkain ha.” nakangiwing wika niya sa mga ito tapos ang lalaking tinawag na Borong ni Masong ay inabutan din niya ng isa.
Kunot noo lamang itong nakatingin sa kamay niya na may hawak-hawak na candy.
Pagkuwa'y nagsilapitan na ang mga iba pang katutubo, maging ang mga bata at mga kababaihan. Tila nais din manghingi ng pinamimigay niyang candy, parang mga inosente ang mukha ng mga ito.
Hindi nga niya alam kung ano ang iniisip ng mga ito sa snow bear na hawak-hawak niya, gano'n din si Masong na talagang sinisipat ng husto ang candy.
Pagkuwa'y pahiklas na kinuha ni Borong ang candy na hawak-hawak niya, agad nitong sinipat iyon at nagawa naman nitong balatan namangha ito sa laman ng candy. At di makapaniwalang tumingin sa kanya.
Napangiti naman siya, mukhang nakuha na niya ang loob ng mga ito.
“Sige ho, tikman nyo masarap iyan. Isubo ninyo lang po at sigurado ako magugustuhan ninyo ang lasa.” Nakangiti pang wika niya dito.
Ngunit nagulat siya ng bigla siyang hiklasin ng lalaki na si Borong at agad na iniumang ang itak na hawak-hawak nito sa kanyang leeg.
Gulat na gulat siya at muntik na siyang magkaihi dahil sa matinding takot.
“Huwag ninyong kakainin ang ibinigay niya, mukhang nais tayong lasunin ng walang hiyang ito!” Malakas na sigaw ni Borong.
Nagkagulo naman ang mga katutubo, sabay tapon ng candy ibinigay niya sa iilan.
Hindi tuloy niya malaman kung matatawa ba o magagalit dahil sa sinabi ng Borong na ito.
Paghinalaan ba naman siya na lalasunin ang mga ito gamit ang kanyang favorite na candy na snow bear.
ITUTULOY