Kabanata 6

1849 Words
“Anong ibig sabihin mong ikakasal? Pwede bang paki-explain sa akin kung ano ang balak ninyo sa akin? Kaya ba dinala ninyo ako dito sa tribu niyo? Please naman oh, huwag namang ganito para akong tang*, nag-iisip kung ano ba ang gagawin niyo sa akin. Iyon pala balak yata akong ipakasal sa kung kaninong babaeng binabanggit ninyo! Ang dami ninyong trip sa buhay, pati ako nananahimik na nais lamang namang maglakbay. At ano yun. gusto mo iyong babae na iyon tapos hahayaan mo na mapunta sa akin? Nasisiraan ka na ba ng ulo ha? Ang laki lang ng katawan mo, macho ka tapos dahil lang sa isang babae panghihinaan ka. Kung ako sayo sabihin mo sa kanya nararamdaman mo hindi yung idadamay niyo pa ako sa kalokohan niyo! Pwede ba pakawalan mo na nga ako dito. Sa iyong-sayo na yung babae na iyon hindi ko hinangad kahit kailan na magpakasal sa isang babaeng hindi ko kakilala. Niloko ako ng babaeng pakakasalan ko rin, kaya huwag mo akong gayahin. At saka kayong dalawang magkauri bakit ako idadamay niyo pa diyan sa mga kalokohan niyo.” Hindi nakapagpigil na wika niya dito. Naiinis siya dahil laking bulas lamang nito pero parang t*ng* kung mag-isip pati siya'y idadamay pa. Mukhang iyon nga yata ang binabalak ni Apong Alu, kaya ikinulong siya sa lugar na iyon. At ang misyon na sinasabi nito ay pakasalan ang sinasabi nitong Prinsesa. Kaya pala dinala siya sa isang maliit na kubo siya pero napakalinis naman sana niyon, may maliit na papag doon at parang napakasarap humiga siguradong kapag nahiga siya doon ay makakatulog siya ng wala sa oras. Pero hindi iyon ang panahon para magpatulog-tulog siya. Hindi niya kailangan ng pahinga, ang kailangan niya ay ang makaalis sa lugar na iyon at makabalik na muli sa paanan ng bundok. Pero paano niya gagawin iyon kung ganitong may nakabantay sa kanya, natatakot na magtangkang tumakas dahil baka saktan siya ng mga ito. Lalong-lalo na itong si Masong. Ngayon alam na niya kung bakit masama palagi ang tingin nito sa kanya, iyon pala ay nakatakda siyang ipakasal sa babaeng nagugustuhan nito. Pero bakit siya? Bakit ang mga katutubong ito ang magpapasya sa kinabukasan niya, tinanggihan na nga niya ang kanyang kasal hindi na nga niya itinuloy dahil sa taksil na kanyang girlfriend. Kahit pa halos maglumuhod ito, tapos ngayon bigla bigla ikakasal siya ng labag sa kanyang kalooban, hindi siya makakapayag. “Manahimik ka na lamang diyan dayuhan at hintayin mo na makausap ka ng aming mahal na hari at mahal na reyna.” malamig ang boses na wika ni Masong sa kanya. “Pakawalan muna kasi ako dito, sino ba kayo para magpasya sa buhay ko hindi ako magpapakasal sa kung sino mang babaeng sinasabi ninyo. Kahit pa prinsesa pa yan, o kahit pa presidente pa yan wala akong pakialam! Walang kahit na sinong maaaring magdikta kung ano ang dapat kong gawin, at isa pa ano bang ugaling meron kayo?! Babaeng mahal ko nga tinanggihan ko, hindi ko pinakasalan. Iyan pa kayang babaeng hindi ko naman kilala at saka ikaw, hahayaan mo na lang ba na ikasal sa ibang lalaki ang babaeng minamahal mo?” Galit na wika ulit niya sa lalaki. Pilit niyang binubuksan ang pintuan ngunit hindi pala basta-basta iyon mabubuksan kahit yari lamang sa kahoy, tila may pansara din iyon sa labas. “Mapalad ka dahil ikaw ang tinadhana at maaari kang ikasal sa aming prinsesa. Pero kung hindi ka binata at mapatunayan nila na may pamilya ka na sa siyudad ihanda mo ang iyong sarili dahil hindi ka na aabutan ng bukang liwayway bukas.” Wika nito ulit sa kanya. Medyo nagimbal naman siya sa sinabi nito hindi niya alam kung tinatakot lamang ba siya nito o may katotohan ang binabanggit nito. “Ano naman ang naging kasalanan ko sa inyo para gawin ninyo ito sa akin? Wala kayong karapatan na kulungin ako dito, makawala lang talaga ako ipapa-pulis ko kayo, makukulong kayong lahat! Alam ninyo bang bawal sa batas ang ginagawa ninyo?” singhal muli niya dito. “Anong pulis at paanong ikukulong kami ng pulis? Kami lamang ang maaaring magkulong sa dayuhan dito sa aming tribu, at walang ibang magpapasya niyon kundi ang mahal na hari at mahal na Reyna lamang. At maging si Apong Alu na aming babaylan. Alam mo bang kung hindi ka dumating, ilang araw na lamang ay mamamatay na ang aming prinsesa? Ilang araw na lamang papatayin na siya ng aming mga ka-tribu at alam mo kung sino ang nagpasya niyon, ang kanyang mga magulang. Ang mahal na Hari at mahal na Reyna, syempre si Apong Alu dahil siya ang babaylan at siya ang nagpapatupad ng mga batas at mga utos ng aming mga kamahalan. Kaya kung sila ay kayang patayin ang sarili nila anak, kahit na mahal na mahal nila ito. Nang dahil sa batas naming sinusunod ikaw pa kaya na isa lamang dayuhan?” wika nito na may diin ang bawat katagang binibitiwan. Nagimbal siya sa narinig, hindi siya makapaniwala na may ganun palang mga klaseng mga magulang na handang patayin ang anak ng dahil lamang sa rules na sinusunod ng mga ito. Ibig sabihin siya pala ang magliligtas sa babae sa pamamagitan ng pagpapakasal dito, kaya ba sinasabi kanina ng mga ito na ligtas na daw ang kanilang prinsesa. Naging tagapagligtas pa siya ng wala sa oras, pero kapalit naman niyon ay ang pagpapakasal niya sa babae, kung hindi ba naman sira ulo ang nagawa ng mga rules rules na iyon. Nandamay pa ng walang muwang ang mga sira ulong sumusunod sa rules na pinapatupad ng mga ito. Pero kung totoo man nakaramdam siya ng pagkahabag para sa prinsesang sinasabi nito dahil masakit iyon para dito na magagawa ng mga magulang nitong patayin ito. Dapat sana ay nagpoprotekta ang mga magulang pero ang mga ito.pa ang humatol ng kamatayan. At ang gagawa naman ng parusa ay ang mga katribu mismo nito, na sa tingin niya ay minamahal nito at nagmamahal din sa prinsesa dahil makikita sa mga mata ng mga tao ang kasiyahan kanina ng siya ay dumating kasama ang mga mangangaso ng tribu. Pero kung tutuusin hindi naman niya kasalanan iyon, kaya bakit siya maaawa? Bakit siya magpapaka-bayani para sa babae, na ang kapalit ang kanyang kalayaan? Pakialam ba niya kung magpatayan lahat dito eh paki ba nuya sa rules mg mga ito. Basta ang mahalaga sa kanya at makaalis sa lugar na ito pero mukhang malabo iyon mukhang malabo siyang makaalis. “Kalokohan ang batas na iyan paano ninyo maatim na patayin ng sarili ninyong kasamahan at baliw ang mga magulang niya dahil hahayaan ng mga itong patayin ang kanilang anak at sila pa ang nagpasya kailangan na yata kayong dalhin sa mental.” Naiiling na wika niya sa lalaki tama lamang naman ang kanyang sinabi. Kung matino ang utak ng mga ito bakit magagawa ng mga itong pumatay ng walang kamuwang-wang na babae ng dahil lamang sa pamahiin at isa pa pati siya ay nanganganib yata ang buhay dahil sa walang kakwenta kwentang tradisyon. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo tungkol sa aming mahal na hari at mahal na reyna. Iginagalang namin sila na tila isang diyos dito sa aming lugar. Kaya kung nais mong mabuhay. Mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi, ngayon palalampasin ko iyang mga sinabi mong iyan na pambabastos sa aming mga kamahalan. Dahil ikaw lamang ang nag-iisang magiging tagapagligtas ni Ellerie. Pero huwag na huwag mong babanggitin ang mga ganyang kataga sa harap mismo ni Apong Alu at lalong-lalo na sa harap ng aming mahal na Hari at mahal na Reyna dahil hindi ko na kontrolado ang kaligtasan mo doon. Baka magulat ka sa ipapataw sa iyong kaparusahan, okay sana kung papatayin ka kaagad. Papaano kung unti-unti kang patayin, iyong mararamdaman mo ang sakit na ikaw na mismo ang magmamakaawang patayin ka na. Gaya ng pagpapalapa sayo sa mga buwayang nandiyan sa lawa. Kakagatin ka nila hanggang sa malagutan ka ng hininga, nais mo ba ang parusang iyon?” Wika muli nito. Hindi niya alam kung nagbabanta ito o ano pero naisip pa lamang niya na kakagatin siya ng buwaya at hindi pa biglaan ang pagkamatay niya dahil uunti untiin siyang kagayin ng mga ito parang nakakapanindig na ng balahibo. Kaya naman tama lamang din na sumunod siya sa lalaki. Mali nga naman na magsalita siya ng masasama lalo pa at iginagalang ng mga ito ang kinikilalang hari at reyna pati na ang Apong Alu na iyon. Tsaka gano'n talaga siguro ang kalakaran doon. Pero ang nakakainis kasi dinamay pa siya. “Hindi ko lang naman kasi matanggap ang lahat, parang hindi kapanipaniwala, parang nasa isang mahimbing akong pagtulog at parang panaginip lamang ang lahat. Kanina lamang ay nasa siyudad ako, kanina lamang ay walang ganito. Pero ng dahil sa pakikialam ninyo sa aking paglalakbay at dinala dala ninyo ako sa tribu na ito. Ngayon hindi ko na alam kung ano ba talaga ang paniniwalaan ko, basta ang nais ko lamang ay ang makaalis. Ayaw mo bang ikaw ang ikasal sa babae na iyon? Ayaw mo ba na makasama siya habang buhay? Ka bakit mo sa akin ipagpipilitan na ipakasal ang babaeng iyon na kung maaari naman na ikaw na lang." Naguguluhan na wika ulit niya sa lalaki. “Bilang isang lalaki at bilang isang nagmamahal, syempre nais ko na gano'n, nais ko na mapasa akin ng babaeng aking minamahal. Nais ko siyang maging kabiyak, nais kong bumuo ng pamilya kasama siya. Ngunit hindi gano'n kadali dahil ang aking iniibig ay isang prinsesa at nagkataong siya pa ang panganay na anak. Kaya kailangan niyang lumisan sa aming tribu, para sa ikatatahimik ng lahat at ikakapayapa ng isipan ng aming mga nasasakupan. At mas nanaisin kong maikasal siya sa ibang lalaki at manirahan sa ibang lugar kahit hindi ko na siya makita. Kesa naman makita siyang walang buhay sa mga kamay ko. Masakit para sa akin na mawala siya ng tuluyan, na ipaubaya siya sa ibang lalaki. Pero mas masakit yung makita siyang hindi na humihinga, na wala na ang ganda ng kanyang mga ngiti at kailanman ay hindi hindi ko na maririnig ang maganda niyang tinig. At ang masakit pa niyon, ako ang mismong kikitil sa buhay niya. Kaya naman tama ng ikasal siya sa iba. At ito lang ang masasabi ko pakisamahan mo siya ng maayos dahil kung hindi at malaman ko na sinasaktan mo siya, papatayin kita, kasama ng buo mong pamilya.” mahabang pahayag ng lalaki. Ramdam niya ang paghibirap ng kalooban nito, ito pala mismo ang kikitil ng buhay ng minamahal nito. Parang napakahirap naman ng kalagayan nito. Pero para sa kanya talagang tunay ang pagmamahal ng lalaking ito sa babae kaya naman gusto niyang makita ang babaeng iyon, kung gaano ba kaganda at kung gaano ba talaga ka-sexy para ka humalingan ito ng lalaki. Maya-maya ay may dumating na batang lalaki. “Manong Masong pinapasabi po ni Apong Alu na ihanda na ninyo ang dayo para sa salo-salo.” Wika ng bata at iyon lang umalis na rin ito. Siya naman ay nilapitan na ni Masong para palabasin sa kubo na iyon. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD