Matapos silang kausapin ng hari at reyna ay nagpatuloy pa rin sa kasiyahan ang mga katutubo, sila naman ay pinatuloy na doon sa kubong pinagdalahan sa kanya kanina kailangan daw kasi nilang makapagpahinga para may lakas sila sa paglalakbay pabalik sa patag. Doon hihintayin na lamang nila ang pagbukang liwayway dahil pagputok ng liwanag ay maglalakbay na rin daw sila pababa ng kabundukan. Dinalhan sila doon ng mga panibagong damit na kanilang isusuot, natatawa nga siya sa dinalang damit para sa kanya, maiksing tsaliko iyon at bahag. Para namang isusuot niya iyon, magtiis na lamang siya ng lamig kesa isuot iyon. Dinala din ang mga ilang kagamitan ni Ellerie, mukhang dadalhin iyon ng babae dahil.ivinagayak iyon ng babae. Pero sa tingin niya sa mga damit na iyon ay hindi naman nito kakail