"PARANG NAGMAMADALI KA yata?" wikang tanong ni Marco ng abutan siya nitong palabas ng opisina nito. Napa lingon siya sa pinsan ng maka pasok ito sa loob, segundo at binawi din niya iyon at itinuon ang sarili sa hawak na cellphone. "Yes, sasadyain ko si Kier." ang kaibigan nilang Dr. Saka ibinaba ang cellphone ng maisend ang nais sabihin sa kaibgang Dr. "Gusto ko sa mismong harapan ko malaman na anak ko nga si Miya." walang alinlangang wika niya. Pagkatapos nilang magka salubong ni Jamilla kanina, diretsyo na niyang sinabi ang nais mangayare. Ayaw niyang magtagal pa ang gusto at para makilala narin siya ng bata. Kahit itanggi nitong hindi niya anak ang bata alam niyang anak niya iyon at malakas ang kutob niya. Hindi dahil sa sinabi na sa kaniya iyon ni Thunder. Gusto lang niyang ipamu