TATLONG ARAW nang hindi nagpapakita sa kaniya si Rex. Tawag at text hindi man lang nito ginagawa para kamustahin siya. Nababagot at hindi narin niya maiwasan isipin ito talagang hinayaan na siya nito sa anong desisyon. Pagkatapos kase nitong sigawan ang anak niyang si Miya noong nasa kuwarto sila, nasundan muli ang alitan nila noong gabi, muli ginawa ulit nitong subukan siyang puwersahin upang mag siping sila pero mabilis siyang tumanggi sa nais nito. Kaya lalo itong nag apoy sa galit para dedmahin siya. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa kumpanya ni Von. Ayaw niyang makita ang binata, sa t'wing pupunta kase siya doon tila ba pakiramdam niya tila unti until nababago ang plano niya at tila na bablanko ang isip niya kahit planado na. Kaya mas minabuti niyang kumuha talaga ng asst.