"WALANG reply sa sulat na pinadala natin sa babaeng intsik na 'yun.. Pero hindi ako nagkakamali Von na hindi niya natanggap yung pinadala ko." paliwanag ni Thunder na naka upo sa coach. "Mukhang mailap ang negosyanteng 'yon." anas ulit nito. Nagsalin siya ng wine sa kopita, nasa loob sila ng meeting place kung saan sila palagi nagkikita kita ng grupo. Inaabot niya kay Thunder ang isang kopita ng masalinan ang dalawang kopita, saka sumandal siya sa pader habang hawak ang kopitang may laman na wine. Wala sa isip niya ang sinasabi ng kaibigan kundi kay Jamilla at sa sa anak nito. Ilang araw ang nakalipas ngunit hindi mawala-wala sa isipan niya ang batang bibo. Hindi ganon kabilis na mapapaniwala siya ng mga ito. "Close mo muna ang isue na 'yan Thunder. Gusto ko malaman kung ilang taon na