SIGURADO na siya sa pasya. Ilang araw niyang pinag isipan iyon at inulit-ulit na inisip kung taman ba o mali.Matapang niyang haharapin kung sino ang makakasalubong at maka kakilala sa kaniya. Hindi na magbabago ang desisyon. Inabot niya ang bestidang isusuot. Pinasadya niya iyon, nais niyang maging ka pansin pansin sa lahat ng tao na maka kakita sa kaniya. At alam niyang sa gabi na 'yun muling makikita niya ang pamilya ng Salazar. Makikita niyang muli ang lalaking kinasusukluman at kina mumuhian. Hindi mapigilang mamutawi sa mukha ang galit habang isunusuot ang bestida. Tumayo siya sa harapan ng salamin ng matapos masuot iyon. Pinagka titigan ang sarili. Sa suot na puting sandals na may taas na 4 inches, nag suot din siya ng set jewerly para kahit paano may kolerete ang katawan niya k