CHAPTER 47: DEEPENED. Umiyak ako kagabi. Umiyak ako magdamag kaya hindi ko nagawang umuwi ngayon. Ayos lang, December 23 palang naman ngayon eh. Bukas na lang ako uuwi, kaysa makita ni Kuya na magang maga ang mga mata ko kakaiyak. "Yes Kuya, I'll just buy some foods." "Ok, text me if you're home." Pinatay ko ang tawag at naglakad papunta sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at tiningnan ang madilim na kalangitan at saka ko inalala ang nangyari kagabi... ~ "May pag asa pa ba tayong dalawa, Ayame? Sana meron pa. Sana may maibabalik pa, please, give us a chance." Seryosong sabi ni Karlo. Alam ko kahibangan ito, alam kong imposible pero ito ang naisip kong paraan... Kung totoong nakatadhana kami para sa isa't isa, kung totoong magiging kami. Mangyayari. "Kapag umulan ng snow, bago magpask