CHAPTER 46: COFFEE. "Whoa! Dayday, is that you?" Mabilis kong kinuha ang anak ni Duday mula sa pagkakakarga n'ya. "Tata!" She said. I pinched her cheek. She's really cute. Ibinaling ko ang tingin ko kay Duday na ngayon ay nakanguso. "What? Bakit nakanguso ka dyan?" Tanong ko sa kanya. "Eh, si Dayday lang naman yata ang namiss mo eh." Sabi n'ya. Natawa na lang ako sa kanya at inabot sa kanya 'yong regalo ko para sa anak n'ya. "Para kay Dayday? 'Yong sa akin?" Pinanliitan n'ya ako ng mga mata. "Walang sa'yo, matanda ka na!" Natatawang sabi ko sa kanya. "May regalo pa naman din ako sa'yo, pero hindi ko na ibibigay dahil wala ka namang ibibigay sa akin." Nakanguso paring sabi n'ya. "Joke lang, open it. May regalo ako sa inyong dalawa ng asawa mo. Isang gift bag lang ang ginamit ko k