CHAPTER 35: LIES. "Kuya," pupungas pungas kong sagot sa telepono pagkatapos kong sagutin ang tawag. Ang aga aga naman kasi, tatawag tawag. "Wake up, sleepy head! I'm on my way to your condo," Napabalikwas ako ng bangon sa kama ng marinig ang sinabi ni Kuya. "Ngayon ka uuwi?!" Sa sobrang gulat ko ay nakalimutan kong mag ingles! "I mean, why-" "I understand, magpapaskow na pow keya." Slang na pagkakasabi n'ya. Bigla tuloy akong napahagalpak ng tawa. Ang cute magsalita ni Kuya ng tagalog! "What the hell are you laughing?!" (Babe, stop cussing!) (I'm sorry babe,) "What the- you came here with Gemma?" Tanong ko habang nagsusuklay ng buhok. Grabe naman talaga oh, "Yeah, I decided to celebrate christmas with her. You have a problem?" "No, I'm just happy for you. Ahm, do you have plans