CHAPTER 34: AS SOON AS POSSIBLE. "Hey, your phone." Itinuro ko kay Daniel ang phone n'ya na nasa ibabaw ng lamesa. Kanina pa kasi 'yon umiilaw at hindi n'ya pinapansin. Bumaba naman agad ang tingin n'ya sa phone n'yang nasa ibabaw ng lamesa. "Oh, I didn't notice. I'll just take this call." Tinapik n'ya ang balikat ko at saka ko sya tinanguan, nginitian n'ya ako bago tumayo tsaka sinagot iyong tawag. Ibinaling ko ang atensyon ko sa alak na iniinom ko, wala si William dahil nakakita na s'ya ng lalandiin. Kami lang dalawa ni Ryza ang nasa lamesa. "Anong nangyari? Magkwento ka." Tanong ko kay Ryza. Nilingon n'ya ako at pinatay ang sigarilyo n'ya sa ashtray na nasa lamesa. "Na-inlove ako, kaso lang nalaman ko na may girlfriend na pala sya." Malungkot na sagot n'ya sa akin. "Akala ko,