CHAPTER 33: RUMORS. Naalimpungatan ako ng marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko. Nakapikit pa ay kinapa kapa ko ang cellphone ko sa kama pero hindi ko mahanap. Namatay na lang iyong tawag kaya babalik sana ako sa pagtulog ng tumunog muli. Kumulo ang tyan ko, anong oras na ba? Gutom na pala ako. Kaya bumangon na ako para hanapin iyong cellphone ko. Baka mamaya importante pala 'yong tawag. Nakita ko 'yong cellphone ko sa ibabaw ng side table ko, agad ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unregistered number at 09** ang numero, ibig sabihin galing sa Pilipinas ito. Sinagot ko ang tawag at isang nakakabinging sigaw ang narinig ko sa kabilang linya. "Ang tagal mong sagutin ha! Kaloka ka!" Sigaw ni Gemma sa kabilang linya. "Akala ko horror na eh, bigla bigla kan