CHAPTER 24: DO YOU LOVE ME? AYAME POV Pinilit kong huwag lagyan ng kahit anong emosyon ang mukha ko sa pagharap ko kay Karlo. Ayokong magpakitang muli ng kahit anong emosyon katulad kanina. Dahil nakikita ko sa mga mata niya kung gaano kalaki ang awa niya sa akin. Oo, awa. Naaawa siya sa akin dahil ginagago at sinasaktan niya ako. "Aalis muna ako, mag usap kayong dalawa at sana this time, maging matalino ka na Ayame." Naglakad palabas ng apartment si Duday. Alam ko ang tinutukoy niya, at oo nga talagang hindi na ako papayag na magpauto at magpagamit sa kanya kasi masakit na eh. Masakit na dahil ang sinasakripisyo ko dito ay sarili kong puso. Naglakad palapit sa akin si Karlo. Nangingilid na naman ang luha sa kanyang mga mata. 'Yan, yan na lang lagi ang ginagamit niyang taktika para h