CHAPTER 23: I'M SORRY Hilong hilo na ako habang nagsasayaw. Hindi ko na nga halos makita ang nasa paligid ko. Pero sa ngayon ay alam ko pa naman kung anong mga pinggagagawa ko. May dumaan ulit na waiter kaya humingi pa ako doon ng isa pang shot. Iinumin ko na sana iyon ngunit may umagaw non mula sa aking kamay. "Ano ba, akin yan!" Pilit kong inaninag mula sa kakarampot na ilaw sa paligid ang lalaking nasa harapan ko. Nakita kong ininom niya ang vodka na dapat ay sa akin bago nagsalita. "Stop drinking. You're drunk." Pamilyar ang tinig niya. Kaya mas nakilala ko siya lalo na ng mas lumapit siya sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Di ba bawal ka sa maraming tao? Baka pag pyestahan ka." Napapapikit na ang mga mata ko at tila gusto ng pumikit pero pinipilit ko paring idilat dahil ayoko p