CHAPTER 22: TAMPO. "s**t, I missed you sweetheart." Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang yakap yakap ako ni Karlo. Ganun niya ako kamiss na sinundo niya pa talaga ako dito sa bahay pagkatapos ay niyakap agad ako ng mahigpit. Bigla namang may humawi sa pagkakayakap naming dalawa sa isa't isa ng dumaan si Duday sa gitna. "Excuse me, dadaan ang single." Natawa kami pareho ni Karlo sa inasal ni Duday. Sinundan ko ng tingin si Duday habang tuloy tuloy na lumabas sa gate. Galit si Duday kay Karlo. Hindi kasi siya sang ayon sa paggamit sa akin ni Karlo bilang panakip butas. Ibinalik ko ang paningin ko kay Karlo. "Sabi ko di ba magkita na lang tayo sa condo mo." Kunyari ay ayaw ko, pero ang totoo kinilig talaga ako sa pagsundo niya. "Ayoko, gusto kitang sunduin eh." Kinindatan ni