CHAPTER 19: CLEAR. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko sa aking mesa. Dapat mauna akong umalis kaysa kay sir Karlo. Ayokong maabutan niya ako, pagkatapos ng nangyari kanina sa loob ng opisina niya ay sigurado akong kakausapin niya ako at pipiliting ihatid. Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at pinatay na ang pc ngunit pag angat ko ng ulo ay nakita ko kaagad ang seryosong mukha ni Karlo. "Ah, s-sir. May kailangan po ba kayo?" Pinilit kong maging kalmado kahit sa totoo lang ay naghuhurumintado na sa kaba ang puso ko. "Let's talk." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya hindi na ako pumalag. Ang ibang mga kaofficemates ko sa loob ng opisina ay nililingon kami dahil hinihila niya ako. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Bakit ba ganito? Ano bang gusto niya at hindi na lang ni