CHAPTER 18: SUNSET. "S-sir..." Nautal ako ng tawagin ko siya. Rinig ko ang paghagulgol niya sa aking likuran. Yakap yakap niya pa rin ako. "Pangit ba ako Ayame?" Tanong niya. Para syang batang nagsusumbong. Hindi ito ang unang beses na umiyak siya sa harapan ko. "Hindi, Karlo." Binitawan niya ako mula sa pagkakayakap sa likuran at pinihit paharap sa kanya. Mas nakita ko ang tuloy tuloy na pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. Masyado talagang iyakin si sir Karlo. "Mabait naman ako 'di ba?" Tumango lamang ako. Napaupo siya sa buhanginan. Sinabunutan niya ang buhok niya. "Karlo!" Dinaluhan ko siya sa pag iyak niya. Niyakap ko siya at inalo. "Then why am i not enough for h-her?" Nabasag ang boses niya sa pagkakataong iyon. Awang awa ako sa kanya. Pero naaawa rin ako sa puso ko. S