CHAPTER 17: SINONG KASAMA MO? Pagkababa ng jeep ay dali dali akong tumakbo papunta sa apartment. Bwisit, di ko rin alam kung bakit nagmamadali ako eh. Boss ko kasi siya at dapat sundin. Naaninag ko kaagad ang kotse ni sir na nakaparada sa tapat ng gate kaya mas binilisan ko. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si sir na nakaupo sa sofa, kunot ang noo, at nakasalikop ang mga daliri. "Saan ka galing?" Seryosong tanong niya. Huminga muna ako ng malalim dahil sa pagod galing sa pagtakbo. Naupo ako sa kawayang bangko na nandoon. Pagod na pagod ako. "Ang sabi ko saan ka galing?" Bumuntong hininga ako at tiningnan si sir Karlo sa mga mata. Galit siya, ano na namang ikinagagalit nito? "Sa gym. Bakit ka nandito sir? 'Di ba ngayon ang alis niyo papuntang Tagaytay." Mas kumunot ang noo niy