4

2233 Words
PAGKABABA palang ni Ella sa palengke ay maraming mga tao ang mga nakasabayan nya. Huminga muna sya ng malalim at malapad na ngumiti. "Ajah! Ella!" Pagpapalakas loob nya sa sarili. Sinimulan na nyang maghagilap ng mga pwedeng disenteng damit at may nakita syang isang pwesto doon na puro damit at ilang gamit na pambabae. Dahil nakabudget na sa isip nya ay madali na lang itong nakapili. Tinignan nya ang halera ng puro blouse at pumili sya ng chiffon at satin na blouse isang kulay peach at isa ay puti. Halos lahat ng damit ay duon nya nabili gaya ng tatlong blouse at dalawang uri ng skirt kaya nakakuha sya ng malaking discount. Nakabili na rin sya ng ilang damit pambahay pati underwear at tanging sapatos nalang ang kulang nya. "Ate magkano sa doll shoes?" Tanong nya sa tindera ng mga sapatos. "150 nalang miss. Papasarado na rin kami. Last ka na." Nakangiting tugon ng babae "Talaga teh? Itong isa na to?" Turo nya sa 3 inch na black heels. "Yan ba? 400 yan." Sagot ng tindera. "Ate ganda pwedi 300 nalang? Tas kukunin ko tong isang dollshoes? 450 nalang ho natira sa budget ko" Tawad na nanaman nya, dahil nabili nya lahat ng kailangan sa halagang 1550 pesos lang at tanging sapatos nalang ang kulang. "Sige na nga miss. Mukha ka namang mayaman pero kung makatawad ka. " Natatawang sabi ng tindera. "Nako ate ganda mukha lang akong mayaman pero dukha po ako. Kaya nga po ako namimili ng magmukhang presentable po ako sa trabaho ko bukas." Pagkwekwento nya habang dala inaayos ang napili nyang size. "Eto na iha. Salamat! At good luck sa trabaho mo." Nakangiting sabi ng tindera "Salamat din ho. Pagpalain po kayo at dumami pa ang benta!" Sabi niya sa tindera at nakangiting nakatapos mamili si Ella at nakarating sa sasakyan si Kuya Ben na nakaabang na sakanya. "Mukhang napakadami nyo pong napamili Maam ah.. Napagkasya nyo yung dalawang libo sa lahat ng to?" Natatawang sabi ni Mang ben at tinulungan sya. "Syempre ho Mang Ben! Saktong sakto nga po. Abalahin ko na po talaga kayo ng lubos Hehehe, daan po tayo saglit sa super market? May bibilhin lang po sana ko." Nakangiting pakiusap nya. "Sige ho maam walang problema." Dahil napasweldo din sya kanina kahit training nya palang ay inabutan na sya ng 650 para sa daily salary na inirequest nya. At pupunta sya sa grocery para bumili ng ilang personal na gamit nya. Nagpunta agad si Ella sa womens section at pumili ng isang lipstick na mura lang na brand ng at polbo na rin. Bumili rin sya ng ilang personal na gamit gaya ng pads, gamit sa panligo at ilang supplies rin ng pagkain na pweding pagtyagaan ng ilang araw. Nagbayad si Ella sa counter at nakakatuwang wala pa halos limang daan ang binayaran nya. Hanggang sa nakauwi ito sa apartment ay hindi makapaniwala si Ella na ang dami na pala nyang nabili sa halagang 2500 ay buhay na siguro sya ulit ng ilang araw. Nung nasaksak kasi sya ay natangay lahat ng gamit nya at tanging meron lang sya ay mga pinabili lang ni Jaden nuong nasa ospital sya ang suot nya at ilan lang din iyon. Kaya naman natutuwa sya at naibudget nya ito ng maayos. Bago kumain ay naglaba muna sya para ready na lang nya ito bukas. Matapos magligpit at malabhan ang lahat ay alas nuebe na ng kumain si Ella at uminom ng gamot para sa sugat nya na kumikirot dahil siguro ay nabigla sa pakikipagsiksikan nya sa palengke kanina. Tomorrow is your first day sa work Daniella Fernandez. Keri mo yan! she cheered and fell asleep. KINABUKASAN, ala sais palang ng umaga ay buhay na agad ang Casa de Guia, ang mga cook at ilang staffs ay abala na. Saktong alas syete ng umaga ng pumasok si Ella sa restaurant na pagtratrabahuhan na nya. "Good morning Maam any reservation po?" Nakangiting bati ni Fred na isang waiter dito sa Casa. "Hoy anong reservation ka jan Fred? Wala akong pera pang reserve dito noh. Anyway good morning!" Nakangiting sambit nya. Hindi makapaniwalang tumitig ito sakanya at tinignan mula ulo hanggang paa at iniikutan pa ito. "Anong ginagawa mo Fred?" Nagtatakang tanong ng dalaga. "Ella ikaw ba talaga yan? Anak ng! sobrang ganda mo pala at sexy pag naaayusan." Napanguso nalang ang dalaga. "Parang napakapangit ko naman kahapon. Tsk! Jan ka na nga may trabaho pa ko." Iniwan nyang natatawa ang binata at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pwesto nya. Naabutan na nya roon si France at Hanna na co-organizers nya. At gaya ng reaksyon ni Fred kanina sa labas ay literal na napanganga din ang mga ito. "Wow.. ready for work?" Hanna teased her. "Yes Maam! Ayos lang po ba? Mejo cheap ang damit pero pwede na po muna pagtyagaan.. hehehe.." "Okay lang yan bhe! Hindi naman halatang mura dahil maganda kang magdala ng damit.. dagdagan nalang natin ng konti yang face mo ng kabog talaga!" Suhestyon ni France at nilapitan sya hawak ang make up kit nito. Wala na syang nagawa kundi ang sumunod at hayaan ito. Mukhang nag enjoy naman itong ayusan sya. "Final touch! Hindi mo na need ng falsie.. Ang haba at ang kapal ng lashes mo super kabog! Highlight nalang natin using mascara." "Madalas ako magkusot ng mata! Baka mamaya zombi na ko jan.." ungot ni Ella. "Don't worry bhe! Waterproof ito." Nilagyan sya ng light lipstick ulit nito at iniladlad ang buhok niyang nakatali kanina at iniunat din iyon. "Wow! Ella you're a goddess! Hindi ka na mukhang probinsyana! Mas mukha kang model bhe!" Tili ni France ng matapos sila at ipinakita sakanya ang salamin. "Ako ba to? Hala bakit ang ganda ko naman yata?!" Hindi makapaniwalang sabi nya habang sinusuri ang sarili sa salamin. "Oo naman! Ganda mo girl!" "Agree! tara dali sa kitchen for sure hindi ka rin nila makikilala agad." Hindi pa nakakaalma ang dalaga ay nahila na agad sya ni Hanna papasok sa kitchen. "Good morning guys!" Bati ni Hanna at France sa mga tao doon, tumingin naman ang mga ito at ngumiti pero ng makita sya ng mga ito ay napanganga rin. "Told you girl! Magugulat din sila." Natutuwang kinurot sya ni France sa tagiliran. "A-hh hehe Hi G-good morning po!" Nag aalangang bati nya sa mga ito. "M-miss beautiful??" Unang nakabawi si Diego at nilapitan ito "Ikaw nga! Wow! Ganda ganda mo! Sexy mo pala, chicks na chicks ahh! Uunahan ko na si Chef na pormahan ka ha!" Yayakapin sana sya ni Diego pero inilayo sya ni Hanna rito. "Magtigil kang bata ka! Bata bata mo pa pulos kalandian kaagad nasaisip mo." Sermon ni Hanna kay Diego at bumaling sa mga tao sa kusina "O sya bumati lang kami! Ciao! Magandang buhay!" Sabi ni France bago nag exit sa kitchen. Nauna na ang dalawa niyang kasama habang sya ay gumamit muna ng banyo. Matapos ay lumabas sya ng banyo at tinignan ang sarili sa salamin na naroroon. Nagtatakang tumingin si Ella sa sarili simpleng long sleeves na kulay krema at itim na skirt lang naman ang suot nya at tinernuhan ng itim na heels na nabili niyang sapin sa paa. Tinignan din niyang mabuti ang mukha at hindi mapigilang humanga sa itsura nya.. "Ang galing magmake up ni France.. grabe ang ganda ko." Inaayos nya ang iniunat niyang buhok na nakasanayan niyang medyo kulot iyon na kulay tsokolate ng may magsalita sa likuran nya. "Miss this comfort room is for employees only." Sabi ng lalaking nasa likuran nya. Tinignan nya ito at nginitian. "Good morning po Boss!" She greeted. "E-ella?" hindi rin makapaniwalang sabi nito at hinaguran din sya ng tingin. Napabusangot nanaman sya. Ganon ba talaga ito kagulat gulat? "Nakakainis kayong lahat boss. Lahat ng nakakakita sakin mga di makapaniwalang si Ella ako. Parang ang pangit pangit ko naman kahapon." Naiiritang sabi nya. Pangit ba sya kahapon? Tshirt at pantalon lang naman ang suot nya kahapon at tsinelas. Tapos lagi rin syang nakapusod. At ngayon ay naunat na dahil sa naging ayos ni France sakanya. Natutunan din naman nyang mag ayos sa subject nilang personality development nung college at inilalaban din sya sa mga pageant sa University nila. "No.. I-it's just that I didn't expect that you can be this beautiful.." Napangiti sya sa sinabi ng boss at di nya napigilang kinurot ang pisngi nito na mukhang nagulat sa ginawa nya. "Talaga boss? Galing ko diba? Hindi halatang DV itong suot ko neh? " natatawang sabi nya. Wala naman kasi sa brand ng damit ang labanan, nasa nagdadala lang yun. Sa isip isip nya "Good morning Ella." Bati ni Chef Hanz. Bat sya hindi naman nagulat? Nalungkot naman sya dun. Aaminin nyang crush nya si Chef Hanz dahil sa kakisigan at kagwapuhan nito, tapos di naman pala nagandahan sakanya.. Pag eemote nya pero nagsalita ulit ito. "I knew it kahapon palang maganda kana. Pero mas maganda ka ngayon. " Nakangiting sabi nito at kinindatan sya. Pakiramdam ni Ella ay bigla syang nagkaroon ng instant blush on sa sinabi nito. "Enough. Let's go Ella.. Bago ka formally magstart you will undergo a last and personal interview sa amin ni Hanz." Seryosong sabi ni Jaden at hinigit ang kamay nya papunta sa Resto. Kahilig naman ata mang hila ni boss pag nagmomoment ako with Chef Hanz. She thought napunta sila sa table for four. Naupo sya sa harap ng dalawa at tinitigan syang mabuti ng mga ito. Wala sa sariling papaayos ni Ella ang buhok nya sa paraan ng titig kasi ng dalawa ay tila iniintimidate sya. "Okay let's start. Tell us about yourself." Panimula ni Jaden. Tumikhim muna sya at umayos ng upo bago sumagot. Okay she knows na may final interview pa sya bago makapagstart ng trabaho talaga kaya mejo napaghandaan na nya ito. "Ahm.. Good morning sir." Tinignan nya ang dalawa at ngumiti bago magpatuloy. "I am Daniella Frey S. Fernandez, 24 years old, I graduated Magna c*m laude, taking BS Administration major in Marketing. If you requested sir I can provide all the proofs next week because of an undesired incident that happen last week." Nakakaintinding tumango naman ang dalawa at inencourage sya na magpatuloy. "I also have experiences in relation to the job given to me here, in terms of organizing and preparing for different activities and events. So I assure you that I will do my best to be useful in my job and I will never break your trust." Sinserong sabi nya at nakatingin sya kay Jaden saying those last words. "Based on what you said Miss Fernandez you are quietly impressive. But can I ask you something?" Sabi ni Hanz at nakangiting tumango naman sya. "Where do you live?" Si Hanz ulit "Why are you asking?" Seryosong tanong ni Jaden kay Hanz "To visit her perhaps? Para magkakilala pa kami ni Ella outside work right?" Nakangiti pa ring sabi ni Hanz at binalingan si Ella na hindi alam kung anong sasabihin. "Spare her Hanz." Jaden dangerously said. Natawa naman ang kaibigan. "Okay.. Anyway wag na lang pala yun malalaman ko rin naman. Saang province ka pala?" "Abra po Sir" "Are you pure Filipino? Because based on the looks of you hindi ka pure Pilipina." Si Hanz ulit. "Ahm.. Yes, po Fil-Am po ako. My mother is an American and my father po is pure Filipino. But my mother died when I was 4 kaya po umuwi nalang kami sa province nila Papa at dun na po sya nagkaron ng second family." Pagkwekwento ng dalaga. "We're sorry about that." "It's okay Sir.. Matagal na rin po yun. And parang tunay na anak din naman po ako kung ituring ng bagong asawa ni Papa." "Well, that's good. Do you have a boyfriend?" Malokong tanong ulit ni Hanz. hindi naman malaman ni Jaden kung aawatin ang kaibigan dahil sya rin mismo ay gusto iyong malaman. "A-ahm kasali po ba talaga yun?" Nag aalangan tanong ni Ella. "Yes? I want to know the stand of our employees here. Kung pamilyado ba sila o hindi." "Ahm. Wala po sir, Wala pa." Sagot nalang nya.. Nakakahiya na kasi sa panahon ngayon ang 24 na NBSB pa rin. At pag sinasabi naman nya iyon ay wala sakanyang naniniwala. "What do you mean na wala pa? Malapit palang magkaroon ganoon ba?" Paglilinaw ni Hanz. Oo pag sinagot mo na ko. Sabi nya sa isip nya. "Ahm no sir. Wala pa po akong nagiging relationship." "Wow.. That's confusing. You're beautiful and all wala ka pang nagiging boyfriend? Mga bulag ba yung mga nasa province nyo?" Si Hanz ulit. "Enough of this Hanz, what you are asking is way too personal. Thank you Ella, you can start your work now. " sabi ni Jaden at nakipaghand shake kay Ella. "Thanks boss! Pagbubutihan ko po talaga salamat sa tiwala." Natutuwang sabi ni Ella at inabot rin ang kamay nya kay Jaden at Hanz pero ng si Hanz na ay hinalikan nito ang likod ng palad nya. "You can go now Ella." Pag iinterapt ni Jaden sa dalawa at nakangiting nagpaalam si Ella at masamang tingin na binalingan ang kaibigan. "Your too possesive brad. Hindi ka naman ganyan ahh.." Natatawang sabi ni Hanz sa kaibigan. "Spare her Hanz, and back off." Warning ni Jaden at iniwan ang kaibigan. Jaden sighed. Yes, I'm not a possessive man, but with her bakit gusto kong nasa akin lang ang atensyon nya? Argh! ========= ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD